Chapter 10: LILIGAWAN KITA
Ang malakas nang sinag nang araw ang agad na tumama sa’king mga mata. Umaga nanaman, ito ang pangalawang araw namin dito sa Pampanga. At kahit pangalawang araw palang parang na sira na ang buong pag stay ko dito.
Nilingon ko ang katabi ko. Wala na siya, hindi ko alam kung saan siya natulog kagabi o tumabi ba siya sa’kin. Maaga akong natulog, hindi na nga ako kumain nga hapunan dahil sa sama ng pakiramdam ko.
Nag unat ako bago tumayo. Baka kasama niya si Sam buong gabi kaya wala siya dito.
Kumirot naman ang dibdib ko.
Ano bayan, kung ano-ano iniisip ko, pati sarili ko ay sinasaktan ko nalang rin. Lumabas ako ng kwarto at doon sumalubong sakin ang mabangon amoy mula sa kusina.
“Gising ka na pala,” nakangiti niyang sabi habang suot ang apron at may hawak pa na sandok sa kanyang kamay. “Akala ko mamaya ka pa gigising. Maupo ka na muna at maluluto na rin ‘to,”
Parang walang nangyari niyang sabi at tinuon ang atensyon niya sa ginagawa niya. Nanatili lang akong nakatayo habang tinitignan siya. bat umaasta siyang ganyan, bat wala sa mukha niya na nasasaktan sa nangyari dati, bakit parang ako lang ang affected sa nangyayari?
Buntong hininga nalang ang pinakawalan ko at pumunta nalang sa salas. Ako nga lang ba ang affected sa nangyayari?
“Arf! Arf!” nilingon ko kung saan nang galing ang ingay na yon. Mas malakas kasi yun kesa sa tahol ni Sea. Binuksan ko ng mas malaki ang pinto at agad na pumasok na tumatakbo si Sea habang hinahabol ang isa pang kulay itim na aso.
Teka, katulad yun ng aso ng kapit bahay namin.
Agad na sumampa si Sea sa upuan, medyo nalagyan ng konting bungin na nanggaling sa katawan niya. Samantala ang isa naman ay tila pinipilit umakyat. Napangiti nalang ako, ang isang maliit na Labrador hindi marunong tumalon.
Agad akong lumapit sa dalawa at nilagay sa lap ko ang aso. “Anong pangalan mo?”
Mukhang baliw kong tanong. Nag umpisa naman na wumagwag ang buntot niya, at ang tenga niyang hindi tumatayo.
“Nakita mo na pala si Biba,” nilingon ko si Miguel. Suot pa rin niya ang apron niya at nakangiting nakatingin sa’min.
“Ibibigay ko sana ‘yan sayo kagabi kaso mukhang hindi ko siya maibibigay ng maayos,”
Lumapit siya sa’min at na upo sa tabi ko bago kinuha si Sea. “Siya ang magbabantay sa inyo habang wala ako. Diba biba?” kumahol naman si Biba at tila sumasang-ayon sa sinabi ni Miguel.
“Catalina, may sasabihin ako sa’yo” seryoso niyang sabi bago tumingin sa mga mata ko. Kung tungkol ‘yon kagabi ayaw ko na munang pag-usapan, kung sa kanya ay wala lang yun para sakin ay sobrang sakit na.
“Kumain na tayo,” sabi ko bago tumayo at iniwan si Biba sa sofa. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero agad din sumunod sakin papuntang kusina.
Hindi ko alam kung kaya ko ungkatin pa, masakit ‘to sa ngayon pero alam ko na matatanggap ko rin ang nangyayari. Matatangap ko rin na isa lang akong laruan niya at kahit kalian ay hindi niya seseryosohin.
Kahit hindi pa siya tuluyan na nakaka-upo ay sumandok na ako ng pagkain. Nagugutom na talaga ako dahil sa wala akong kain kagabi pa, ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nalilipasan ng nagutom.
Sa tuwing nalilipasan ako ay nawawalan na ako ng gana kumain at mabilis mabusog kahit konti palang ang naisusubo.
MATAPOS kumain ay agad na akong pumasok sa kwarto para ayusin ang iilang gamit ko. Nang malglag ang isang papel mula sa lamesa.
“Firework display” basa ko. May malapit pala na perya dito, agad akong tumayo at pumunta sa kusina. Doon naabutan ko siyang nag huhugas. Mabilis akong lumapit sa kanya at tinaas ang hawak kong papel,
“Punta tayo dito,” binasa niya ang nakalagay sa papel bago ngumiti at tumango. Akmang mag sasalita pa sana siya ng tumakbo na ako sa kwarto para ihanda ang mga susuotin ko.
Ito ang beses na pupunta perya. Madalas kasi ng highschool ako ay hindi ako pinapayagan ni papa na mag pagabi sa labas, kaya ang ending kahit may malapit na perya malapit sa school namin ay hanggang tingin lang ako.
“Sea, iiwan ka muna ni mama dito. Okay?” kausap k okay Sea na naka-upong nakatingin sakin habang lumalabas ang mahaba niyang dila. Samantala si Biba naman ay pinipilit pa rin maka-akyat sa taas ng kama “At ikaw naman biba, bantayan mo ang kapatid mo”
Mukha na akon timang na kinaki-usap ang dalawang aso. Kumahol naman silang dalawa at parang nakakaintindi.
Gustong-gusto ko talaga ng aso, ang kaso’y ayaw ni mama ng maraming aso sa bahay. Mas lalo na’t may baby sa bahay at hindi pwede makalanghap ng balahibo.
“Kung uuwi na pala ako ng manila, san kayo titira?” hindi naman pwede na itago ko sila sa loob ng kwarto ko dahil malalaman at malalaman nila mama na merong aso doon. Ang isa pang masaklap ay baka pumupoo sila sa taas ng kama ko,
“Sa bahay natin,” nilingon ko si Miguel. Nakatayo na pala siya sa pintuan, hindi ko agad na pansin.
“Bahay mo,” sabi ko bago tumayo. Lalabas nalang nga ako at baka may masamang hangin pa akong malanghap dito,
“Bahay natin. Nakapangalan sa’tin dalawa ang lupa na ‘yon kaya kahit anong gawin mo ay sa’tin yun,” wala pa rin pagbabago sa tono ng pananalita niya. Seryoso pa rin siya at ganon din ang tingin na binibigay niya sa’kin.
“Ano ba bitawan mo nga ako!” sigaw ko ng hawakan niya ang braso ko. “Nasasaktan ako. Ano ba!”
“At ikaw nababagay ka lang sa’kin” sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi, “Wag kang maarte, hinawakan ko lang ang braso mo hindi pinilipit,” bago ako tuluyan tinalikuran.
Napa-nguso nalang ako at lumabas nalang ng bahay. Bat ba biglang sumingit ng isang ‘yon, dapat nga ay ako ang mag sungit sa kanya dahil kahpon pero heto siya. nag susungit akala mo naman ay may regla,
Pumunta nalang ako sa tabing dagat, wala pa naman akong ligo kaya maliligo nalang ako ulit. Hindi nalang ako pupunta sa malalim o lalagpas sa balikat ko para hindi na ulit mangyari ang katulad ng nakaraan.
“Wag kang lulusong nang walang kasama,” napahawak ako sa dibdib ko ng mag salita si Miguel sa gilid ko. Kasama niya ang dalawang alaga ko at nag hahabulan sa buhangin.
“Hindi naman ako lalayo” ayaw ko na malunod ulit no,
“Kahit na, paano kung tanggayin ka ng alon? Kita mo yan, kayang-kaya ka dalhin ng ganyan kalaking alon sa malalim. Wag mo na ako pakabahin ulit, Catalina.” Seryoso niyang sabi bago ako hinila para lumusong,
“Kung maliligo ka, pwede naman kitang sabayan. Gusto mo pati sa banyo pwede pa,”
“Bastos!” sabi ko at binato siya tubig dagat. Napapikit naman siya para mag karoon ako ng chance na lumayo sa kanya.
Agad akong lumusong pailalim para mabasa ang buong katawan ko. Mainit ang tubig ng dagat pero pag nag tagal na ay unti-unti na ring lalamig kasabay ng malakas na hangin,
“Makulit ka,” bungad sakin ng pag-ahon ko, “May pagsisid ka pang nalalaman, hindi ka naman umaalis sa pwesto mo.”
Natatawa niyang sabi. Tinignan ko ang pwesto ko, tama nga siya. hindi nga ako umalis sa pwesto ko ng sumisid ako.
“Wag kang tumawa, atleast ako dito lang sumisisid!” masama ang tingin ko sa kanya na dahilan para mas lakasan niya pa ang tawa niya.
“Ikaw lang naman ang sinsisid ko,” sabi niya at hinawakan ako sa bewang, “Gusto mo pala pumunta sa malalim ah,”
“Ibaba mo ko Miguel!” tili ko ng hindi ko na makapa mula sa paa ko ang lupa. Mahigpit akong yumakap sa kanya ng akmang binibitawan niya ako.
“Ayaw ko nga” seryoso niyang sabi bago pinulupot ang braso niya sa bewang ko. “Ayaw kitang bitawan. Akin ka lang”
Napahinto ako sa sinabi niya.
Seryoso ang mukha niyang nakatingin sakin, habang parehas kaming lumulutang sa dagat at walang kahit sinong nakakakita sa’min dalawa.
“Gusto na kitang anakan” biglang Segway niya. Nasapok ko tuloy agad siya at agad niya akong nabitawan,
“Ano ba! Higpitan mo ang hawak! Pag ako nalunod dito!” inis kong sabi na kinangisi niya.
“Ito na nga mahigpit na ang yakap sa’yo . ikaw lang naman ang gustong kumawala sa’kin.” Madrama niyang sabi bago muling humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
“Miguel!”
“Alam mo ba ang sarap sa pakiramdam pag-sinisigaw mo ang pangalan ko. Mas lalo na pag nasa-“ malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Parehas kaming natahimik dalawa sa ginawa ko. Wala naman akong intension na lakasan kaso ewan.
“liligawan kita, Catalina. Kahit paulit-ulit mo akong sampalin at pilitin na bitawan ka” seryoso niyang sabi at nilapit ang mukha niya sa’kin.
Napa-pikit nalang ako at hinihintay ang labi niya na dumampi sa’kin pero isang malakas na alon ang sumalong samin.
“Miguel!” tili ko ng mapabitaw ako sa kanya pero siya, nakatingin lang sakin, mahigpit na hawak ang bewang ko para hindi ako agusin ng malakas na alon.
“Seryoso ako, Catalina. Hindi kita bibitawan kahit ikaw pa ang sumuko.” Seryoso niyang sabi bago nag landas ang labi namin dalawa.