Alexie's POV "Sigurado ka ba na kaya mo nang maglakad ng maayos?" Tanong sa akin ni Raymart habang sinusuklay niya ang buhok ko. Kanina pa niya sinusuklay ang buhok ko at kanina pa rin 'to maayos pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsusuklay nito. Animo'y sarap na sarap siya sa ginagawa niyang pagsusuklay sa buhok ko. Kung hindi ko lang alam kung gaano kagaling sa kama si Raymart at kung gaano siya kalalaki baka pinag-isipan ko na siya na isa siyang bakla tulad ng mga kaibigan ko. "Oo nga," sagot ko. Ilang beses na rin niyang tinanong sa akin ang tungkol sa paglalakad ko at ako naman din 'tong sira ulo na paulit-ulit pa rin siyang sinasagot. Ang dali lang naman intindihin ng sagot ko pero ewan ko ba kay Raymart kung bakit kailangan niya pang ulit-ulitin ang tanong niya. Isang daang b

