Alexie's POV "Bibilhin rin namin 'to," saad ni Raymart at kinuha ang maternity dress na longsleeve at lagpas ng tuhod ang haba. Nandito kami na loob ng H & M at lahat ng damit ko ay si Raymart ang namimili. Ang mga pinipili niya ay puro dress na pang manang. Kahit isang damit wala akong napili dahil lahat ay siya ang namimili. Akala mo naman talaga siya magsusuot ng mga damit kahit hindi naman talaga siya dahil ako naman talaga ang magsusuot. Wala naman akong magawa dahil malamig sa Baguio. Kaya siguro gustong-gusto niya kong patirahin sa Baguio noon pa man dahil alam niyang hindi ko maisusuot ang mga dress na gusto ko at maglalakbay ng gano'n dahil nga malamig dito hindi tulad sa Laguna. Ang talino talaga ng lalaking 'to. Idolo! "Baby, gusto mo rin ba nito?" Bigla naman nagliwanag ang

