Alexie's POV "Pumasok na tayo sa loob. Malamig na masyado," saad niya at hinawakan ako sa bewang ko. Nasa Baguio kami ngayon kung saan siya nakatira kaya normal lang na malamig ang klima kahit na medyo mataas pa ang araw. Naglakad kami palapit sa malaking double doors. Itinapat niya lang ang mukha niya sa scanner at kusang bumukas na ang malaking pinto. "Wow," namamanghang saad ko ng bumukas ang pintuan. Mayaman rin naman kami pero wala kaming ganitong bahay na kasing high-tech ng bahay ni Raymart. Ipinalibot ko ang mata ko at halos lahat ng gamit niya ay high-tech. Kung ano ang kulay ng bahay niya sa labas gano'n na gano'n din ang makikita po dito. Puro black at grey lang. Simula sa sofa, sa center table, sa unan ng mga sofa, sa carpet at sa kulat ng pader niya pati na rin ang mga k

