Alexie's POV Tatlong araw na ang nakalipas at pinayagan na ako ng doctor ko na lumabas ng ospital. Sa tatlong araw na nagdaan mas lalo pang naging clingy sa akin si Raymart. Kahit sa pagpunta ko lang sa banyo ay sinasamahan niya pa ako para lang makasigurado na ligtas ako. Iwas na iwas rin siya sa mga kalat na pwede kong maapakan lalo na sa basa dahil natatakot siya na baka madulas ako. Mas mukha pa nga siyang paranoid tungkol sa kaligtasan ko kesa sa sarili kong kaligtasan. Alam ko naman kasi na hindi ako ta-tanga-tanga na basta na lang madudulas. Marunong naman kasi akong mag-ingat 'no. "Nasaan ang bahay mo dito?" Tanong ko kay Raymart na nagdri-drive ng sarili niyang sasakyan. Pumasok ang kotse niya sa malaking gate pero wala akong nakikitang bahay. Ang nakikita ko lang ay isang mal

