Alexie's POV Nagising ako kanina ng wala na si Raymart sa tabi ko. Inikot ko na ang buong bahay namin pero wala akong nakitang Raymart. Napaupo na lang ako sa couch na nasa sala at binuksan ang cellphone ko pero walang wifi kaya pinatay ko rin agad. Ano bang mayroon? Ang yaman-yaman tapos walang pambayad sa wifi?! "Miss. Alexie, bakit mukhang bad mood ka yata?" Tanong ni Cloma na mukhang kagigising lang. Naglakad siya papunta sa sofa na nasa gilid at naupo doon at ipinatong niya ang cafe na dala niya sa center table. Binuksan niya rin ang T.V para mapanood ang bagong episode ng horror series na pinapanood niya palagi. "Nasaan ba si Raymart? Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin," iritadong sambit ko. Kapag naman kasi umaalis siya palagi niya akong sinasama sa mga lakad

