Alexie's POV Hawak lang ni Raymart ang kamay ko habang inaantay namin ang mga kaibigan ko na dumating. Nasa loob na kami ng cafe at hinihintay na lang ang pagdating nila Cyrine. "Kasama mo na naman ang driver mo," napataas ang tingin ko kay Cy na bagong dating. "Fiancé na niya ko ngayon," pagmamalaking sambit ni Raymart na kinalaki ng mata ni Cy. Hindi ko naman binawi ang sinabi ni Raymart sa kaibigan ko dahil totoo naman. Fiance ko na siya at ikakasal na kami kaya wala ng dapat pang itanggi. "Doon ka na nga sa kabilang table mag-uusap na kami ni Cyrine" utos ko kay Raymart. Agad naman siyang sumunod at lumipat sa katabing table namin. "Doon ka na lang rin muna Chard" sambit ni Cy sa boyfriend niya. Lumipat sa kabila ang dalawa at naiwan na lang kaming dalawa ni Cyrine sa lamesa na

