Hansel Lagman
*Tok tok tok tok*
Nagising ako ng katok mula sa labas ng pintuan ko. It’s been a month mula ng makalipat ako dito sa apartment ko na tinutuluyan sa ngayon.
Bumangon na lamang ako at pupungas pungas na bumaba sa kama at naglakad papuntang pintuan binuksan ko ito at laking gulat ko ng bumalandra ang mukha ni Winston sa harapan ko. Napadilat ng malaki ang pumipikit pikit ko pang mga mata pagkakita ko sa kanya sa harapan ng pintuan ko.
"Good morning bunny!" exaggerated niyang bati saakin at may hawak pa siyang mangkok na ang laman ay sopas.
"Ahmmm pasok ka" saad ko sa kanya pagkabawi ko ng pagkagulat ko at kaagad naman itong pumasok at dumiretso sa kusina kaya sinundan ko na lamang ito.
"Dinalhan kita ng breakfast dahil baka hindi kana naman kumain ng breakfast kainin mo na ito habang mainit pa kasi maliligo na ako and-" putol na saad nito saka humarap saakin "sabay na tayong pumasok sa opisina dalian muna bunny baka malate tayo" saad nito at pinat pa ang ulo sabay halik sa noo ko pagkatapos niyang magsalita ay dumiretso na siya palabas.
Hindi na ako nagulat ng halikan niya ako sa noo bagkus namula ako ng todo.
Well before tayo magpatuloy sa kwento let me introduce may self-first sa inyo guys. Ako nga pala si Hansel Lagman, I’m 20 years old at nag iisa na lamang ako sa buhay. My mother died almost a year na lumayas lamang ako sa bahay ng aking tiyo almost a month na rin dahil sa hindi magandang pagtrato nito saakin. I’m just 5'2 in height and I have a natural pinkish pale skin kasi sabi saakin noon ni mama ay nakuha ko daw ang complexion ko sa aking ama siguro may lahi ang ama ko yun ang hinala ko pero hindi naman saakin sinabi ni mama iyon. I have a small round chestnut colored eyes and a V shaped small face, maliit na papointed rin ang ilong ko and all in all about a description ko mukha akong babae and yes mukha talaga ika nga ng iba pero I’m a boy no let me rephrase it I’m a gay definitely. Nagtatrabaho ako sa Aces Company where is doon rin nagtatrabaho si Winston.
Yung lalaki kanina siya si Winston Miranda, gwapo at hot yan lang ang masasabi ko. Hindi ko nga alam kong bakit naging close kaming dalawa its just happen marami ang nagkakagusto sa kanya sa opisina at magkatabi lamang ang apartment namin at nag iisa na rin siya sa buhay kagaya ko.
Hmmm hindi ko rin alam kong bakit hobby niyang halikan ako sa noo hindi ko na lang rin siya tinatanong ukol doon dahil gusto ko naman and I feel special dahil sa mga pinapakita niya saakin.
Alam kong mas straight pa sa ruler si Winston pero hindi naman siguro masamang umasa and what you think is right I have a huge crush to a Winston Miranda pero sinasarili ko nalang iyon dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kapag nagtapat ako sa kanya.
Pagkatapos kong maubos na kainin ang sopas na dala ni Winston ay kaagad akong pumunta sa banyo at naligo. Nabusog ako masyado dahil masarap ang sopas niya magaling talaga siyang magluto.
Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako at nagdamit ng sarili ko. Lahat ng mga sinusuot ko ay unisex na mga damit pero hindi yung halatang pang girl talaga dahil kahit bakla ako ay hindi naman ako nagkocrossdress. Nang makita kong ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng apartment bitbit ang shoulder bag ko na pang opisina na kulay black sakto naman na lumabas si Winston na nakakulay navy blue na long sleeve and brown stripe necktie gwapong gwapo ito sa suot nito. Ngumiti ito saakin bago nagsalita "bunny sabay tayong maglunch mamaya may ipapakilala ako sayo" saad nito at sabay na kaming naglakad papuntang kotse niya, yes may kotse siya naipundar daw niya ito nang mag 4 years na siya sa trabaho niya.
Nang makarating kami sa opisina ay kaagad kaming pumunta sa desk’s namin.
"Good morning bakla" matinis na pagbati ni Marie at binati ko na lang rin ito pabalik.
"Good morning Hans" bati naman si Hubert. Gwapo rin ito at medyo close ko rin.
"Morning din Hubert" nakangiting pagbati ko pabalik sa kanya.
May sasabihin pa sana siya ng magsalita ang Department Manager namin "Go to your work guys" saad nito and guess who? si Winston lang naman po ang DM namin.
Tiningnan naman ito ni Hubert at nginisihan bago bumalik sa desk niya nakita ko namang masama ang titig ni Winston kay Hubert. Ano kaya nangyayare sa kanya ki aga aga halatang ang init ng ulo di gaya kanina na maaliwalas ang mood at ang mukha niya. Para bang ang bilis nagbago ang mood niya pagkarating namin dito sa opisina.
Busy ako sa pagtitipa sa keyboard ng computer ko dahil may pinapaencode na proposal saakin si DM (Department Manager) pag dito sa kompanya ay yan ang tawag namin sa kanya as our superior.
Ilang oras ko din ito inencode at inanalyze bago ko sinave tiningnan ko ang table clock ko at nakita kong 9:00 am na kaya, kaya ko pang iprint ang documents bago maglunch break. Medyo marami rami kasi ang ipiprint ko eh.
Tumayo ako sa table ko at pumunta sa may printer.
Automatic na nakaconnect ang computer namin sa printer kaya madali na lamang ang pagprint at wala nang kaaklikutin pang kong ano ano bago makapagprint.
Pinindot ko ang print button at nagsimula na itong magprintb napatingin ako sa desk ni Winston and nabigla ako ng nakatingin din ito saakin at kaagad itong ngumiti ng magkasalubong ang mga mata namin kaya napangiti na lang rin ako sa kanya saka binawi ko ang tingin ko dahil nafefeel ko na namumula na ang pisngi ko at baka matunaw siya sa paningin ko kapag tumagal pa ang pagtitig ko sa kanya.
Nang matapos akong magprint ay pumunta na ako sa table at nagtrabaho na ulit.
Ilang oras pa ang lumipas at tumingin ako sa table clock ko.
It’s already 11:50 and it’s time to take our lunch break at sakto naman na nasa tapat na ng desk ko si Winston.
“tara na?” tanong niya habang nakangiti kaya shinutdown ko na ang computer ko at saka tumayo…
Hindi naman kalayuan ang cafeteria ng office kaya madali lang naming narating iyon. Nangunot ang noo ko ng may kumaway saaming babae sa na nakaupo sa isang lamesa pinasunod lang ako ni Winston papalapit doon sa babae. Buong akala ko ay kakilala lang niya pero mali pala ang akala ko dahil sa narinig kong tawag niya dito.
“Kanina ka pa ba babe?” tanong ni Winston sa babae habang ako naman ay napatulala at napatigil dahil hindi parin maprocess ng utak ko ang nalaman ko parang may bumara sa lalamunan ko at kumirot sa puso ko. All this time ang akala ko ay wala siyang kasintahan pero meron pala.
“Upo kana Hans” doon lamang ako natauhan dahil nakatayo pa pala ako pinilit kong ipinanatag ang sarili ko para hindi sila makahalata kahit sobra akong nasasaktan.
Nang makaupo na ako ay tumayo naman si Winston para omorder ng pagkain namin. Tinanong niya ang order namin ng girlfriend niya at pagkatapos niyang makuha ang order namin ay pumunta na siya sa may cashier para umoder at magbayad.
“Ahmmm ako nga pala si Sofia Anderson” pakilala nito at kita niyang nakangiti ito kaya ngumiti rin siya kahit pilit lang “alam mo bang palagi kang kinekwento ni Winston saakin and I know na mahalaga ka rin sa kanya siguro dahil ikaw ang bestfriend niya gusto rin kitang maging kaibigan Hansel pwede ba yun” mahinhing saad nito saakin.
Masakit sa loob ko ng banggitin niya na bestfriend lang ako ni Winston kasi alam ko sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya. Maybe I just assumed too much and I crossed the line without thinking that he still wants a girlfriend not a gay like me.
Nang makabalik si Winston ay dala na niya ang mga pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain and nakita kong nagsusubuan sila ng pagkain kahit nagbabadya nang tumulo ang luha ko dahil sa kirot sa pusong nararamdaman ko ay kinontrol ko ang sarili ko na wag umiyak at mabuti naman ay nagawa ko. Pagkatapos naming kumain ay panay ang kwento nila ng lovelife nila at ako naman ay nakikinig and at the same time nasasaktan. Nang hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko ay nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako sa office at agad akong tumalikod sa kanila alam kong nakatitig saakin si Winston pero wala na akong pakialam all I want to do is makaalis doon dahil alam kong maya’t maya lang ay bubuhos na ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.
Edrianzmoe