Hansel Lagman
Pagkatapos kong umalis sa cafeteria ay dumiretso ako sa cr at doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. I thought may ibig sabihin ang pagiging caring at maasikaso niya saakin pero mali pala ang hinala ko dahil lahat ng iyon ay walang ibang kahulugan dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya saakin at kahit kailanman ay hindi na lalagpas doon ang tingin niya saakin ako lang itong masyadong nagbigay ng kahulugan sa mga pinapakita niya saaking kabaitan to the point na pinaasa ko ang sarili ko at pinaniwalang kahit papaano ay baka may chance ako sa kanya.
I pity for myself kasi naman ang assuming ko heto tuloy ako ngayon umiiyak kahit wala naman akong karapatang masaktan dahil unang una palang ay alam ko nang wala akong pag asa sa kanya ako lang naman ang nagbigay ng false hope sa sarili ko.
Ilang minuto rin akong umiyak sa loob ng comfort room and kaagad akong pumunta sa sink at nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na namamaga ang mga mata kaya binasa ko ang mukha ko at naghilamos para hindi masyadong mahalata ang pamamaga nito at hindi mahalatang galing lang ako sa pag iyak.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay dumiretso na ako sa office ng department namin. Pagkarating na pagkarating ko doon ay nakita kong nakaupo si Winston sa harap ng desk ko na may malalim na pag iisip bumuntong hininga muna ako bago tumuloy sa desk ko.
“Ahmmm bakit ka nandito DM?” tanong ko sa kanya at inopen ang computer ko nakita ko namang nakatitig ito ng malalim saakin kaya naconcious naman ako kasi baka mahalata niya na namamaga ang mga mata ko.
“san ka galing? Diba kanina ka pa umalis sa cafeteria?’’ hindi ko alam kong bakit siya nagtatanong ng ganito saakin.
“dumaan pa kasi ako ng comfort room kaya natagalan ako” saad ko at iniiwas ang tingin ko sa kanya ayokong salubungin ang mga tingin niya kasi mas lalo akong nasasaktan.
Kailangan mawala itong nararamdaman ko para sa kanya as early as I can dahil ayaw kong mawasak ang puso ko sa sakit.
Pagkatapos niya akong titigang muli ay walang salitang umalis na lamang ito sa table ko at bumalik na sa pwesto niya napasigbuntong hininga na lamang ako ulit at itinuon ang pansin sa trabaho ko.
*********************
It’s been a week nang magsimula akong medyo dumistansya ako kay Winston. Nung unang mga araw ay nahihirapan pa ako dahil nakasanayan ko na lagi siyang nasa tabi koat hindi ko na rin siya hinahayaang halikan ako sa noo nagdadahilan din ako ng kong ano ano para lang maiwasan siya hindi ko alam kong nahahalata niya ang pag iwas ko pero wala na akong pakialam pa.
Nakikita ko parin naman siyang laging kasama ang girlfriend niya ang kita ko naman sa kanilang masaya sila sa isat isa.
Nandito ako ngayon sa apartment ko napatitig ako sa kalendaryo at nakita kong ilang araw na lang pala ay magpapasko na siguro hindi ko napapansin ang mga araw dahil busy ako sa trabaho at pag iwas kay Winston nalulungkot ako dahil wala akong kasama sa araw ng pasko.
5 days before Christmas day ay may trabaho parin kami ng isang araw at ngayon ang araw na iyon busy ako sa pagtipa sa keyboard ng computer ko ng may naramdaman akong nakatayo sa harap ko.
Nang itaas ko ang tingin ko ay nakita ko ang seryosong tingin at mukha ni Winston na nakatitig saakin. He looks good everyday pero hindi ko alam sa sarili ko siguro nakatulong ang ilang weeks ng pag iwas ko sa kanya dahil hindi na ako gaanong naapektuhan pagdating sa kanya.
“Ahm bakit? May kailangan ka po ba DM?” mababang bosesna tanong ko sa kanya.
“akala mo ba hindi ko pansin ang pag iwas mo saakin this past few weeks?” mahina ngunit mababakas ang inis sa tono ng boses niya alam ko namang may kasalanan ako doon kasi hindi naman niya alam ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.
“ahmm hindi naman kita iniiwasan sadyang busy lang talaga ako this past few weeks” palusot na saad ko sa kanya kaya mas lalong nangunot at bakas ang galit sa mukha niya.
“bakit ano ba ang pinagkakabusyhan mo ha? At hindi mo na rin ako magawang pansinin and even kausapin man lang ni hindi na rin ako makapasok sa apartment mo para pagdalhan ka ng breakfast. You didn’t even talk to me kahit nasa office tayo and akala mo hindi ko alam na gumagawa ka nang mga palusot just to avoid me tell me ganon ka ba kabusy ha?” tanong niya ng may bahid na pagtatampo, galit, at hinanakit ang boses.
Hindi ko mahapuhap ang dapat sabihin kasi maski ako nabigla sa sudden outburst niya hindi ko alam pansin pala niya ang pag iwas ko sakanya.
“Ahm sorry kong ganon ang nafefeel mo dahil sa ginagawa ko I just don’t know how to say my reasons, sorry” yun lang ang nasabi ko at nakita ko ang sakit sa mga mata niya.
Umalis na lamang ito sa harap ko at ako naman ay napahawak saulo ko hindi ko alam na naapektuhan rin siya dahil sa pag iwas ko siguro dahil kaibigan niya ako tama siguro dahil doon.
Nang maglunch break ay mag isa akong pumunta sa cafeteria at nang makarating ako doon ay nakita kong naglalampungan sina Winston at Sofia napangiti na lamang ako ng mapait parang kanina lang ang lungkot niya dahil saakin pero ngayon wagas kong makatawa dahil kay Sofia siguro nga I should let my feelings for him to fade away para maiwasang masaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama.
Umalis na lamang ako doon at lumabas na ng opisina namin sinabi kasi nila na half day nalang daw ang pasok namin ngayon. Pumunta ako sa isang park at doon nagmuni muni at nagmasid masid sa paligid habang naglalaro at tuatakbo sa isipan ko ang mga nangyare saakin sa mga nakalipas na araw kong paano ako nalungkot, nasaktan at umiyak dahil kay Winston. Masyadong naging madrama ang buhay ko this past few week.
Siguro kailangan ko na rin maglovelife para magkaroon na rin ako ng dahilan para maging masaya napangiti na lamng ako sa iniisip ko dahil hindi ko pa naranasang magkaboyfriend…
Nasa pagmumuni muni ako ng may biglang dumausdos pababa sa buhok ko na isang kulay gintong dahon na parang maple leaf ang porma kinuha ko ito at pinakatitigan bakit kulay ginto ang kulay nito? Tanong ko sa sarili ko. Tumingala ako tiningnan ang kahoy na nasa tapat ko pero hindi naman ginto ang kulay ng mga dahon nito at hindi ganito ang hugis.
I felt weird this time pero inalis ko na lamang ang isiping iyon at napagpasyahang maggrocery para sa Christmas kasi nabigay na saamin ang sweldo namin at bonus kaya tumayo na ako at itinago sa loob ng bag ko ang kakaibang dahon na nakita ko.
Pagkatapos kong maggrocery ay dumiretso na ako pauwe pero hindi ko inaasahang makikita kong lalabas mula sa apartment ni Winston si Sofia kaagad naman akong nakita ni Sofia at nginitian ako.
“oh Hansel ikaw pala Advance Merry Christmas pala sayo pumunta lang ako doon kay Winston para imbitahan siya saamin pagchristmas dahil gusto siyang makilala ng mga magulang ko” saad niya na nagpasakit sa puso ko akala ko hindi na ako masasaktan pagdating sa kanila.
“ahm sige una na ako” saad niya at umalis na ako naman ay naiwang nakatulala na nakatayo napangiti na lang ulit ako ng mapait at humakbang papasok sa loob pero bago ako makapasok sa loob ay nakita kong lumabas ng apartment niya sa Winston “Hans” tawag nito saakin hindi niya na rin ako tinwag na bunny lalo akong nasaktan binigyan ko lang siya ng blangkong ekspresyon at mapait na ngiti bago ako pumasok sa loob.
Nang makapasok na ako sa loob ay nabitawan ko ang mga pinamili ko at nanlambot ang mga paa ko.
Nang mapaupo ako ay humagulgol ako ng iyak. I cried my heart out ganito pala ang masaktan ang sakit sakit lang.
Edrianzmoe