MIB 3

1297 Words
Hansel Lagman   December 24 na ngayon and heto ako nagmumukmok parin hindi na rin ako inabalang kausapin pa ni Winston kasi lagi ko naman itong pinagtataguan at hindi pinagbubuksan ng pinto alam ko sa mga oras na to ay kasama na niya ang girlfriend niya sa bahay ng mga magulang nito.   Nauhaw ako kaya pumunta akong kusina kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator. Nang matapos akong uminom ay inilapag ko ang baso sa lamesa pero laking gulat ko nang nandun sa ibabaw ng lamesa ang gintong dahon na nakita ko sa may park at naalala kong nadala ko pala ito kahapon at hindi ko maalala kong bakit nasa itaas na ito ng lamesa pero hindi ko na lamang pinansin pa ang pagtatakang iyon.   Nagtataka ko itong kinuha at pinagmasdang mabuti at nang tingnan ko ang likod ng dahon ay nun ko lang nakita na may nakasulat pala rito ang sabi sa nakasulat ay "wishing gold leaf" mas lalo akong nagtaka kasi ngayon lang ako nakakita ng ganitong bagay na isang wishing leaf daw.   Pumunta ako sa sofa habang hawak hawak ko ang bagay na yon napaisip ako kuno ng iwiwish ko kasi wala namang mawawala kong magwiwish ako and at the same time alam ko namang hindi iyon magkakatotoo.   Iniharap ko sa mukha ko ang gintong dahon bago ako nagsalita ng iwiwish ko "I wish na sana may dumating na tao sa buhay ko na magmamahal, mag aalaga, at magpapasaya saakin kasi pagod na akong mag isa at masaktan. Gusto ko ang taong iyon ay ang taong mamahalin ko at mamahalin ako habangbuhay" saad ko at nakita kong nag spark ito ng kulay ginto kaya nabigla ako at kinusot ko pa ang mga mata ko at saka tinitigan ulit ang gold leaf pero ganoon parin naman ito at hindi umiilaw siguro namamalikmata lang ako.   Pagkatapos nun ay tumungo na ako sa kwarto ko para matulog wala rin akong handa para sa Christmas kasi wala naman akong kasalong kumain so what’s the used na maghanda pa ako mas lalo ko lang mararamdaman ang pag iisa.   *******************   Nag inat inat ako nang magising ako mula sa pagkakatulog ko ‘Merry Christmas’ naibulong ko na lamang sa sarili ko atleast nabati ko ang sarili ko ng merry Christmas kahit hindi merry ang pasko ko.   Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa kusina napadaan ako sa sala na may nakatayong malaking red box nagpatuloy ako sa paglalakad at bigla akong napahinto ng marealize ko ang nakita ko sa may sala.   Kaagad akong bumalik sa may sala at dun ko nga nakita ang napakalaking red box na para bang lagayan ng refrigerator.   Linapitan ko ito at sinuring mabuti.   "Sino naman kaya ang magpapadala ng ganitong kalaking karton dito sa apartment koat paano ito naipasok gayong nakasarado lahat ng bintana at pin tuan ko" nagtatakang saad ko at ng hawakan ko ang box ay bigla na lamang itong umalog at labis ang pagkamangha ko ng unti unti itong bumukas.   Napapikit ako dahil sa kapag ng hamog na dulot ng pagbukas ng box at nang maramdaman kong wala nang hamog ako inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa mga mata ko.   Tumambad saakin ang mukha ng isang taong nakapikit at maya maya pa ay dumilat ito at dun ko na naman nakita ang spark na nakita ko kagabi sa gold leaf nagspark ang mga mata niya at saka ngumiti saakin ng malaki. Labis ang pagkagulat ko sa nasaksihan paano nagkaroon ng lalaki sa loob ng box?!   Ako ay wala parin sa sariling katinuan at nakanganga lamang na nakatitig sa taong nasa harapan ko.   Nang bumaba ang titig ko sa katawan niya ay dun lang ako natauhan dahil sa nakita ko napatili ako dahil sa nakita ko ang kanya "kkkkyyyyyyyyaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" tili ko at sabay takbo patago sa likod ng sofa at siya naman ay walang pakialam kong hubot hubad siya humakbang ito papalapit saakin.   "H-Huwag k-kang l-lalapit kong sino kaman jan ka lang" nanginginig kong saad sa kanya kasi natatakot ako pano pala kong killer itong taong ito edi tigok ako at pano kong rapist pala siya ohhh myyy gashhh pano nalang ang virginity ko kyyyyyaaaaahhhhh.   Pero hindi ito nakinig saakin bagkus nagpatuloy lang ito hanggang sa makatapat na siya sa pinagtataguan ko.   Pero mas lalo akong nabigla dahil sa sinabi niya "Hi I’m your boyfriend" dun ko na naman nakita na nagspark ang mga mata niya ng kulay ginto.   "H-hoy a-anong p-pinagsasabi mong b-boyfriend kita ni hindi nga kita kilala" pagtanggi ko sa sinabi niya kasi sino ba namang matinong tao ang maniniwala sa kanya boyfriend ko daw siya ni hindi ko nga siya kilala malaking kalokohan!   "Ako ang boyfriend mo Hansel, my matinee" ulit pa niya na nagpataka lalo saakin paano niya nalaman ang pangalan ko at ano daw m-my matinee? Ano yun?   "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" kinakabahang tanong ko sa kanya paano pala kong stalker to at balak niya akong patayin. oh my mama! mahal ko pa ang buhay ko.   Ngumiti lang ito saka ako hinawakan sa magkabilang balikat ko saka itinayo nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya at binalewala lamang niya ang lakas ko sa kanya.   Labis na nagulantang ang sistema ko nang bigla ako nitong hinalikan natuod ako sa ginawa niyang paghalik saakin habang siya ay nakapikit na parang ninanamnam ang halik habang ako ay dilt na dilat ang mga mata.   Nang bumitaw siya ng halik ay ngumiti ito saakin saka nagsaad "Mate bond succeeded" ....   Tulala ako nang mga sandaling iyon at nang matauhan ako ay nakita ko sa kaliwang wrist ko ang isang half heart na tattoo.   Kelan pa ako nagpatatto pilit kong inalis iyon pero hindi man lang ito maalis alis.   Tiningnan ko ang lalaking humalik saakin at nakaramdam ako ng inis kasi parang normal lang sa kanya ang mga nangyayare ngayon na labis namang nagpapasakit ng ulo ko kasi hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyare saakin pati na rin ang halik kasi yun ang first kiss ko.   Naglakas loob akong harapin ito at nagsimula na akong magsalita ng may inis "Hoy Mr. who you are bakit mo ako hinalikan ha? At sino ka ba ? pano ka nakapasok dito sa bahay ko?" sunod sunod kong tanong sa kanya at nakita ko naman itong naupo sa sofa sa mukha niya lamang ako nakatingin kasi nakahubad ito.   "Gold leaf" simpleng saad niya at nung una ay naguluhan pa ako pero unti unting pumasok sa memory ko ang wish ko sa gold leaf kahapon.   Napahawak ako sa dibdib ko kasi hindi ako makapaniwalang matutupad ng gold leaf na iyon ang wish ko.   "No way pero paano?" hindi makapaniwalang bulong na saad ko sa sarili ko at kasalukuyang nalilito sa nangyayare.   Napatitig ko sa kanyang muli pinasadahan ko nang tingin ang taong iyon.   He has a jet black eyes and a golden brown hair bilugan na medyo singkit ang mga malalalim niyang mga mata he has a long thick eyelashes medyo makapal na kilay perfect pointed nose and a kissable lips nagsusumigaw ito sa tila kulay makopang kulay nito hindi ko maiwasang isipin na iyan ang nahalikan ko kanina.   Hes goddamn perfect sobrang gwapo niya na parang hindi tao pero hindi mababago ang katotohanan na hindi pa saakin malinaw kong saan siya nagmula.   "Done checking me babe" nakangising saad nito kaya kaagad na nagbalik ang inis ko dahil sa ginawa nito saakin kanina.   "Lumayas kana nga dito hindi kita kilala!" sigaw ko sa kanya pero nginisihan lang ako nito pero hindi ito tumatayo sa kinauupuan nito.   Lumapit ako sa kanya para kaladkarin siya paalis pero wrong move kasi nahigit niya ako at napaupo ako sa lap niya at napatitig ako sa kanya habang titig na titig naman siya habang nakangisi saakin.   Habang nasa ganon kaming posisyon ay may naramdaman akong kumislot sa may gitna niya at labis akong namula ng malaman ko kong ano yun.   Napangisi lamang siya at ako naman ay dali daling tumayo habang namumula ang mukha sa hiya at inis "Aaaaarrrrrrggggggggghhhhh mmmmmmmmaaaaaaannnnnyyyyyyaaaaakkkkk!!!!!" namumulang sigaw ko sa kanya.   Edrianzmoe  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD