Hansel Lagman
“arrrrggghhhh ano ba lumayo layo ka nga saakin manyak ka!” naiinis na saad ko dito dahil pilit nitong isinisiksik ang katawan niya sa kinauupuan kong sofa. Pinagbihis ko na din siya kahit na masikip sa kanya ang mag damit ko dahil hindi ko naman maatimna nasa harapan ko siya hubad baro ano.
Kanina pa ako ako naiinis sakanya dahil hindi ako tinatantanan ng lalaking ito kanina ko pa siya tinatanong kong anong pangalan niya pero hindi niya daw alam kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya like hello sino ba naman ang matinong tao ang hindi alam ang sarili niyang pangalan tsk.
“Babe gutom na ako” nag asal batang saad nito at nang nilingon ko ito ay nakapout ang loko na tila nagpapacute.
Inirapan ko lang ito bago nagsalita “edi kumain ka wag mo akong iniistorbo pinag iisipan ko pa kong paano kita mapapalayas dito sa bahay ko bwiset ka” nakita ko naman itong nalungkot o naglulungkot lungkutan lang para hindi ko siya paalisin.
“Bat ayaw mo ba saakin? Diba hiniling mo ako doon sa magic leaf?” natamaan naman ako sa sinabi niya kasi totoo naman na hiniling ko talaga iyon pero siguro masyado lang akong nabigla sa mga pangyayare and at the same time hindi ko alam kong anong klase siya at hindi ko alam kong taga saan siya hindi ko din inaasahan na mangyayare ito. Napakaimposible naman kasi na matupad ang winish ko doon pero heto sya nasa harapan koi sang patunay na natupad nga ang winish ko sa gold leaf nay un.
Nakita kong malungkot parin ang ekspresyon nito kaya napabuntong hininga na lang ako hindi naman ako ganon kasama para hindi siya pakainin kaya tumayo na ako at dumiretso sa kusina nakita ko namang nakasunod parin siya napangiti na lamang ako ng palihim kasi I find him cute na sinusundan niya ako na para bang mawawala ako sa paningin niya. I never felt that kind of stare before.
Nagluto ako ng especialty kong adobo at nagsaing na rin sa rice cooker ng kanin at habang nagluluto ako ay nakita kong mataman lang siyang nakatingin saakin na tila tinutunaw na ako sa paningin niya. Pinilit kong hindi pansinin ang pagtitig niyang iyon at tinuon ang pansin sa niluluto ko.
Nang matapos akong magluto ay inihain ko na sa lamesa ang pagkain namin tiningnan ko siya habang nakatayo lamang siya sa gilid habang nakayuko ang ulo “oh kain na” saad ko at nakapataas naman ang tingin niya saka kumurba ang labi niya at ngumiti sa ngiti niyang iyon ay hindi ko alam kong bakit may iba akong naramdaman sa ngiti niya na para bang nagpapainit sa puso ko.
Kaagad itong umupo sa silya at sumandok ng pagkain at ulam ako naman ay nakatingin lamang sa kanya habang magana siyang kumain “hhhmmmm wow ang sarap naman ng luto mo babe” saad niya at sunod sunod ang pagsubo ng pagkaing hinanda ko sa kanya. Magana niya itong nilantakan.
“syempre naman especialty ko kaya yan” proud kong sagot sa kanya.
Pagkatapos niyang kumain ay diretso na niyang hinugasan ang kinainan niya at ako naman ay dumiretso sa sala.
Nang makarating siya sa sofa ay sinabihan ko siyang umupo sa katapat kong sofa “San ka nga ba nanggaling?” yan ang tanong ko sa kanya kasi naguguluhan na ako sa pinanggalingan niya at pano siya napunta dito sa apartment ko.
Huminga muna siya ng malalim at nakita kong sumeryoso ito bago nagsalita.
“Isa akong Argus galing ako sa ibang planeta, ang planeta ng Argus isa iyong malayong planeta mula dito sa mundo nyo” panimula niyang saad at ako naman ay nakikinig lamang kasi ayaw kong mabitin sa sasabihin niya pa “Ang planeta namin ay parang planeta rin ninyo namumuhay kaming parang sainyo rin ang pinagkaiba lamang ay mas advanced ang mga kagamitan namin kaysa dito sa planeta ninyo hindi mo rin makikita ang planeta namin mula dito kahit may gamit pa kayong teleskopyo dahil bukod sa malayo ito tago rin ito. Kulay ginto ang kulay ng planeta namin” mahabang paliwanag niya at ako tulala lang dahil sa pahayag niya.
Ibig sabihin ay isa siyang alien waaaahhhh.
“Edi ibig sabihin isa kang alien?” namimilog ang mga matang tanong ko sa kanya pero s**t lang pinagtawanan niya ang tanong ko sa kanya at halos humagalpak na siya sa katatawa at gumulonh gulong sa sahig at dahil dun nainis ako sa kanya arrrrgggghhhh.
Nang matapos na siyang tumawa ay tumingin ito saakin “porket ba nagmula ako sa ibang planeta ay alien na agad? Hindi kami mga alien kami ay mga Argus na ang ibig sabihin ay mga taong may pambihirang kakayahan” Saad niya na ikinakunot ng noo ko.
“anong pambirihang kakayahan?” takang tanong ko sa kanya.
Bigla niyang inangat ang kamay niya at nakita ko namang umangat ang flower vase na nasa mesa kaya napaatras ako dahil hindi makapanaiwalang nakikita ko.
Naiigagalaw niya ang vase ng hindi hinahawakan napangiti na lamng siya sa reaksyon ko at dahan dahan niyang ibinalik ang vase sa ibabaw ng lamesa.
“p-pano m-mo n-nagawa y-yun?”nanginginig kong tanong sa kanya.
“through my powers isa lang iyon sa mga kapangyarihan ko” simpleng saad niya at sumandal sa sofa.
“a-ano m-meron ka p-pang ibang kapangyarihan?” tanong ko ulit sa kanya tumango lamang siya at ako naman ay di malaman ang gagawin dahil sa nakita at nalaman ko tungkol sa kanya gossshhhh I think Im gonna faint maya maya lang dahil sa mga natutuklasan ko na para bang nasa isa akong sci-fi movie.
Di na kinakaya ng utak ko ang mga nalalaman ko it’s so unreal but it’s definitely real naramdaman ko na lamang na nagdilim ang paningin ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Lithiro Ximente
Labis akong naalarma ng nawalan siya ng malay mabuti na lang at nasalo ko siya at nagamit ko rin ang ultimate speed ko and yes that’s one of my powers too.
Siguro katulad din kayo ni Hansel na naguguluhan kong sino talaga ako Ang ngalan ko ay LITHIRO XIMENTE nagmula ako sa planetang Argus kong saan lahat ng mga uri naming ay may ibat ibang kakayahan at kapangyarihan.
Paano nga ba ako napunta dito sa Earth ang mundo ng mga tao?
Ito ay dahil sa wish niya sa magic leaf/ gold leaf ang gold leaf na iyon ay ang nagsisimbolo na kayo ay itinadhana para sa isat isa once na makuha ito ng kapareha/ mate mo and once na tinawag ka niya gamit ang dahon na iyon ay parang may pwersang hihigop saiyo papunta sa kinaroroonan niya.
Actually hindi ko rin maipaliwanag at maski na ang seer (manghuhula ng kapalaran) sa aming mundo kong bakit hindi isang Argus na gaya namin ang mate ko. Nang malaman ko sa seer na hindi taga Argus ang mate ko ay kaagad ko itong hinanap gamit ang machine na kung tawagin ay Matesearcher kada isa saamin ay meron nito dahil dito kahit hindi pa kayo nagkakakilala ng mate mo ay makikita mo na siya at makikilala kahit nasaan pa siya.
Nang matagpuan na ng matesearcher ko ang mate ko ay labis akong nabigla dahil hindi isang babae ang kamate ko kundi isang lalaki hindi naman ako tutol sa ganitong relasyon kasi meron ding ganon saamin pero bibihira lamang iyon rare kumbaga.
Mula noon ay lagi ko na siyang sinusubaysabayan at habang sinusubaybayan ko siya ay palakas ng palakas ang epekto niya saakin and alam ko dahil sa epekto iyon ng pagiging mate namin sa isat isa. Nandoon ang nakikita ko siyang tumawa at umiyak dahil sa isang lalaki na hindi ko alam kongbakit may kakaiba akong naramdam sa kanya. Habang umiiyak siya ay nararamdaman rin ng puso ko ang sakit na nararamdaman niya kahit gustong gusto ko na siyang puntahan para damayan ay hindi pa tamang oras kasi hindi niya pa ako tinatawag.
Hanggang sa tinawag nanga niya ako at kinuha ako ng isang malakas ng pwersa at nakita ko na lamang na nasa isang box ako at binuksan niya iyon at ng magmulat ako ng mata ay naramdaman ko na ang enerhiya na nakakonekta saamin sa isat isa labis ang tuwa ko nang masilayan ko na siya at nang mahalikan ko na siya ay tuluyan na ngang naging isa ang nararamdaman naming at yung tattoo ay palatandaan na committed na kami sa isat isa tinanong pa niya ako kong ano ang pangalan ko pero hindi ko sinabi kasi gusto kong bigyan niya ako ng pangalan na naayon sa gusto at naiibigan niya.
At ngayong magkasama na kami ay ipinapangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya at aalagaan dahil ako ang mate niya at ako ang nakatadhana para sa kanya ako lang ang dapat mahalin niya at wala nang iba.
Edrianzmoe