Winston Miranda *Tok tok tok tok tok* "Hans! Hans!" malakas kong sigaw mula sa labas nang pintuan ni Hansel. Andito ako ngayon sa labas nang bahay niya dahil gusto ko siyang kausapin at magkalinawan kami. Hindi ko kaya ang nakikita kong may ibang lalaking umaaligid at umaangkin sa kanya. "Hans! Hansel!" muli ko na namang sigaw pero wala talagang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagulat ako nang bukas ito kaya wala na akong sinayang pang oras at pumasok ako agad sa loob dahil kinakabahan na ako dahil walang sumasagot mula sa loob. Pagkapasok ko ay madilim ang paligid at tahimik ang paligid. Hinanap ko ang switch at nang makita ko ito sa gilid nang pinto ay kaagad ko itong pinindot para mag on. Pero bumungad saakin ang kabuuan nang apartment ni Hanse

