Hansel Lagman "Babe bakit ikaw ang nagluluto?" masyadong oa na pagtatanong nang asawa ko habang papalapit saakin mula sa malaking kusina na parang bahay nang kusina nang palasyo. Tiningnan niya ang mga kusinero na nakatayo sa gilid habang nakayuko bilang paggalang sa kanya. "Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" tanong nito saakin ulit pagkalapit niya saakin at kaagad na lumingkis sa bewang ko. "Gusto ko lamang ipagluto ka pati na sina amang hari at inang reyna" saad ko. "Hindi mo naman kailangan gawin iyon maraming mga tagaluto dito at trabaho nila iyan at tsaka baka makasama sa pagbubuntis mo babe" saad niya kaya inihinto ko muna ang ginagawa ko at nakita kong hindi makatingin saamin ang mga tagaluto na nasa gilid lamang dahil sinabihan ko sila na hayaan na muna akong maglut

