Episode 37 Pagkatapos nang pagdalaw namin sa puntod ng anak ni Alec ay umuwi na kami sa condo unit ko. Agad din na umalis si Alec kasi pinapatawag siya ni Tita Rachel sa kanilang mansion. Dumalaw din muna ako sa bahay namin kasi nalaman kong day off pala ngayon ni daddy kaya nasa bahay lang siya ngayon. Nang makauwi ako ay nakita ko kaagad si Daddy sa may living room namin habang nanonood ng Netflix sa aming TV. “Anak!” sabi ni Daddy nang makita niya ako. Nagmadali siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin para mayakap ako. “Namiss kita, Naime anak! Akala ko doon na kayo talaga titira ni Alec sa Tagaytay at iiwan mo na ako.” Nag e-emote na sabi ni Daddy. Natatawa ako sa kanayang pagiging over acting ni Daddy ngayon. “Ano ba, dad. Hindi ko naman kayo iiwan.” Malambing kong sabi at

