Episode 38 Meron na akong bagong bodyguard and his name is Jaymerick. Isa siya sa pinakamagaling na agent ng kanilang security agency. Nagsimula na din magtrabaho si Alec sa kanyang kompanya. Nabalitaan ko kasi kay Tita Rachel na hindi na ito napapadalaw sa kompanya at napapabayaan na ang pamamahala nito. Kaya gusto ko siyang bumalik sa pagta-trabaho kasi noong una palang ay alam ko na ang trabaho niya ang pinaka importante sa kanya. Nandito ako ngayon sa aking opisina at tinatrabaho ang mga naiwan kong mga pipirmahan na mga papeles at pag che-check nang mga bagong dating na product. Habang nag babasa ako ngayon ng mga papeles ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha sa aking bag at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Napangiti ako nang makita kong si Al

