Episode 45 Hindi parin mawala sa isipan ko na nakita ko sa may mall si Clarisse kahapon. Parang bumalik lahat sa aking isipan ang lahat ng ginawa kong pagpapakahirap sa kanya noon. Lahat ng mga sinabi kong masasamang salita sa kanya upang ma pagtanto niya lang na hindi sila bagay ni Alec. Sa ginawa kong pagsumbong sa relasyon nila ni Alec kay Tita Rachel kaya napalayas siya sa mansion na matagal nang pinagtrabahuan ng pamilya niya, sa pagkawa ng anak nila ni Alec. Lahat ng mga iyon ay muling bumalik sa aking mga ala ala nang makita ko si Clarisse. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili at hinang napapikit. Nandito lang ako ngayon sa kwarto at hindi ako pumasok sa trabaho. Hindi nakauwi kagabi si Alec dahil may importante silang ginawa sa kompanya. Nagpaalam naman ito ng maayos sa akin

