Episode 46 Naging maayos na kami ni Alec at palagi niyang pinaparamdamn sa akin na mahal niya talaga ako at hindi siya nagkamali na mahalin ako. Busy parin si Alec sa kanyang trabaho pero mas binibigyan niya ng maraming oras ang pagbabantay sa akin at pag mo-monitor. Gusto nga din sana ni Tito Anderson na patigilin na muna si Alec sa pamamahala sa kompanya nila pero hindi ako pumayag. Okay lang naman ako at mas madami na din ang nagbabantay sa akin kaya nasisiguro ko na safe ako at walang makakalapit sa akin. Pumasok na din ako sa aking trabaho kasi hindi naman pwede na mag mukmok nalang ako palagi sa condo namin ni Alec at umiyak ng umiyak. Hindi parin maiwasan na mapapaisip ako sa nakaraan pero palagi ko nalang iniisip ang sinabi ni Alec sa akin na hindi ko kasalanan ang nangyari, na

