Episode 35 Araw araw kong pinupuntahan si Alec sa kanilang mansion pagkatapos ng aking trabaho. Okay lang naman kay Tita Rachel na nandito ako lagi kasi nakikita niya naman ang progreso ni Alec at Malaki ang pasasalamat sa akin ni Tita para doon. Nandito kami ni Alec ngayon sa labas ng kanilang mansion. Naglalakad kami ngayon sa malawak na flower garden ni Tita Rachel sa likuran ng kanilang mansion. Marami ring mga puno dito kaya ang lakas ng hangin at ang sarap langhapin. Napaupo kami ni Alec sa may bench na malapit sa Malaki na kahoy. “Dapat lumalabas ka lagi sa kwarto mo. Hindi ‘yung palagi nalang natutulog pagkatapos mong kumain. Sige ka, tataba ka talaga niyan!” panakot ko sa kanya. Ngumisi naman siya at napailing. “Bakit, hindi mo na ba ako magugustuhan kapag tumaba ako?” tanon

