Episode 34

1548 Words

Episode 34 Hanggang ngayon ay nandito parin kami sa labas ng emergency room. Hindi ko makausap ngayon si Alec kasi nakaupo lang siya sa pinakamalapit na upuan sa may pintuan ng emergency room habang nakayuko. Tinawagan ko na din si Tita Rachel kasi hindi na alam kung ano ang aking gagawin. Agad akong napatayo nang makita kong dumating si tita Rachel habang tumatakbo. Mabilis niya akong niyakap nang makalapit siya sa akin. “Anong balita, hija?” tanong ni Tita sa akin. Malungkot akong umiling kay Tita. Napabuntong hininga naman siya at napatingin kay Alec. “Oh, my dear Alec…” naiiyak na sabi ni Tita habang nakatingin sa kanyang anak na hanggang ngayon ay nakayuko. “Kanina pa ba siya ganyan, Naime anak?” tanong ni Tita sa akin. Napatango ako at napatingin kay Alec. Huminga ng malali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD