bc

The STORY of Us: TAMING THE PLAYBOY BILLIONAIRE (R-18+)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
11.9K
READ
billionaire
love-triangle
HE
escape while being pregnant
fated
second chance
arranged marriage
playboy
arrogant
kickass heroine
stepfather
single mother
heir/heiress
drama
bxg
serious
kicking
city
office/work place
rejected
polygamy
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Is a marriage contract enough to make you a married couple? Is sharing a house enough to call you a family? Can you endure being openly hurt by the man you married?

Bata pa si Joy Bautista, nang siya'y maulila. Minąltrato ng sariling tiyahin, at tinanggalan ng karapatan sa mga naiwan ng mga magulang, kaya mas pinili niyang tumakas at magpakalayo. Namasukan siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Mabait ang mag-asawang pinagsisilbihan at itinuring siyang pamilya ng mga ito. Ngunit biglang nagbago ang lahat pagdating ng bunso nilang anak.

James "Jay" Del Valle Jr., a happy-go-lucky playboy, is førced into a marriage by his parents as a consequence of his actions with their housemaid, Joy. Cønsumɛd by anger for being tied to a marriage he never wanted, Jay makes Joy's life a living ĥɛll.

"Joy, we're only married on paper. You're not the kind of woman I dreamed of spending my life with... Remember this, you're living in this house because of my parents, not because you're my wife!" -Jay

chap-preview
Free preview
HINANAKIT NG ISANG API‼️
JOY'S POV... Hapon na naman. Halos wala nang makitang tao na nagtatrabaho dito sa bukid. Pero ako, heto at pauwi pa lang, dahil tinapos ko pa ang pagtatanim ng kamoteng baging. Pagod at gutom ang nararamdaman ko. Nanghihina na rin ang katawan ko, at inaantok. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko, dahil sa matinding pagod. Naglakad ako pabalik sa bahay namin para magpahinga. Uhaw na uhaw na rin ako. Naubos ko na kasi ang baon kong tubig, dahil sa init ng araw kanina. Pagdating ko sa likod bahay ay agad akong umupo sa lumang papag namin dito sa tabi ng poso. Kumuha ako ng tubig sa poso at ininom ito, para maibsan ang pagka uhaw ko't panghihina. Muli akong umupo sa papag at sumandig ako sa pader, para makapag pahinga ng maayos. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang naka upo. "Nandito ka lang pala sa likod at natutulog, walangh'ya kang babae ka! Napakatamad mo talaga. Wala kang k'wənta!" Bigla akong nagising, dahil sa malakas na boses ni Tiyang Magda. Sinabunutan at sin@mp@l ang magkabila kong pisngi, dahil sa galit sa akin. "Malalim na ang gabi, pero wala pang nalutong pagkain. Iyon naman pala'y nandito ka sa liko at masarap ang tulog! Wala kang s!lbi! Bakit ba kasi hindi ka pa nam@tay kasama ng mga magulang mo. Parepareho naman kayong walang k'wentang tao." patuloy ni Tiyang Magda. Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng aking dugo, dahil sa mga pinagsasabi ni Tiyang sa akin. Kaya kong tiisin ang lahat ng hirap at pang aabusong ginagawa niya sa akin, pero ang idamay ang mga magulang kong matagal nang namayapa ang hindi ko matanggap. "Tama na!" pasigaw na sambit ko. Hindi ko ugali ang lumaban sa nakakatanda sa akin, pero ang idamay niya ang mga magulang kong matagal nang namamayapa ang hindi ko mapalalampas. Kasabay ng pagsigaw ko ay tinulak ko rin si Tiyang Magda. Napa atras siya at napa upo sa sahig, dahil sa lakas ng aking pagkakatulak. "Wala kang karapatang pagsalitaan ng masama ang mga magulang ko, Tiyang! Kung meron man sa atin dito ang tamad at walang pakinabang, kayo iyon ng mga anak mo! Baka nakakalimutan ninyong bahay namin itong inaangkin ninyo ng mga anak mong mga maldita at tamad. Ang bahat at lupang pinapakinabangan ninyo mula noong mamatay si Papa ay pag aari ko! Akin lahat ang mga inaangkin ninyo, dahil pamana sa akin ang mga ito ng mga magulang ko. Pundar nilang dalawa ang lahat ng mga inaangkin mo. Pati ang buwanang Pension ko, na dapat ay ako ang nakikinabang! Pero kayong mag-iina ang nagpapakasasa!..." pasigaw na sambit ko. "Pamangkin mo ako, Tiyang! Hindi ako iba sa inyo. Ikaw lang ang nag iisang kapatid ni Papa na p'wede kong masandalan, pero ano itong ginagawa niyo sa 'kin, Tiyang!? Ginagawa niyo akong alipin ninyo. Dapat nag aaral ako ngayon sa University at kumukuha ng gusto kong kurso, pero ayaw mo akong papasukin para may taga tanim ka ng mga gulay at magbenta ng mga ani sa palengke." sumbat ko pa kay Tiyang Magda. Nanlalambot akong napa upo sa papag at humagulgol ng iyak. Awang-awa ako sa sarili ko, pero wala akong magawa. Wala naman akong ibang mapuntahan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagkakataong ito. Hinayaan ko nang lumabas ang lahat nang sakit, galit, at hinanakit na naipon sa puso ko sa ilang taon na pagtitiis ko sa pakikisama sa kapatid ni Papa. Noong nalaman ni Tiyang Magda na namatay si Papa ay agad siyang umuwi dito sa bahay namin, dala ang dalawa niyang anak na babae. Pagkalibing ng Papa ko ay agad nila akong pinalipat ng kuwarto. Sa maliit na kuwarto sa kusina na ako natutulog mula noon. Ang dalawang anak ni Tiyang ang gumamit ng kuwarto ko. Lahat din ng gamit ko ay inangkin nila. Labing-apat na taon ako noong nawala si Papa. Bata pa ako at walang alam sa lahat. May natatanggap akong Pension noon, para mabuhay ako at makapag-aral. Pero kinukuha lahat ni Tiyang ang perang para sa akin. Pumapasok ako sa paaralan na walang baon o pamasahe. Samantalang ang dalawang pinsan ko ay parang mga anak mayaman, dahil marami silang baon na pera. Magaganda ang mga suot nilang damit at may owner-type jeep pa silang service sa pagpasok. Kahit iisang paaralan ang pinapasukan namin ay ayaw akong isabay ni Tiyang Magda, kahit ang sasakyan na ginagamit nila ay sasakyan ng Papa ko. Pero tiniis ko ang lahat ng hirap, dahil kahit paano ay nakakapag-aral ako sa high school at nakatapos. Pero nang mag eighteen years old na ako ay naputol na rin ang Pension ko. Wala nang perang pumapasok sa account ko, kaya wala na ring pera sina Tiyang Magda. Pinatigil niya ako sa pag-aaral ko, dahil wala na daw akong pera na makukuha mula sa insurance ni Papa. Wala na akong pakinabang sa buhay nila. Pinatrabaho niya ako sa bukid araw-araw. Nagtatanim ako ng mga gulay at kung may bunga na ang mga tinamim ko ay ako din ang magtitinda ng mga ito sa bayan. Pero pag uwi ko ng bahay ay kukunin lahat ni Tiyang ang kita ko, para may maibigay siyang pera sa mga anak niyang maluluho. Kahit pagod ang katawan ko sa bukid sa maghapon na pagtatanim, pagdidilig at pagdadamo ay magtatrabaho pa rin ako sa bahay pag uwi ko. Maglilinis ng buong bahay, magluluto ng pagkain ng mga iina at mamamalantsa ng mga damit nila. Kakain silang tatlo sa dining table, pero ako dito lang sa kusina. Naka upo ako sa sahig at tanging tira-tirahan nila ang pagkain ko. Pag gising ko naman sa umaga ay maglalaba muna ako ng mga damit nilang mag iina, habang nagluluto ng kakainin nila sa umaga. Samantalang ako ay tanging kape na walang gatas lang ang agahan ko. Nagkakape ako, habang nagwawalis sa aming bakuran. Magdidilig ng mga halaman at muling babalik sa kusina para iligpit ang mga pinagkainan ng mag-iina, bago naman ako pupunta sa bukid para muling asikasuhin ang mga pananim kong gulay. Kahit napakainit ng araw ay nasa gitna ako ng bukid na nagdadamo o kaya'y nagdidilig ng mga pananim. Pero sila, buhay mayaman sa sarili kong bahay. "P*t@ng *n@ kang babae ka! Pap@t@y*n kitang hay0p ka!" malakas na sigaw ni Tiyang Magda sa akin. Hindi ko napaghandaan ang bigla niyang pagsugod sa akin, dahil sa labis kong pagtangis. Awang-awa ako sa sarili ko, dahil sa aking kalagayan. Para akong alipin sa sarili kong bahay. Magkakasunod akong sinampal ni Tiyang Magda, at hinila nang husto ang mahaba kong buhok na halos hindi ko na masuklay, dahil sa dami kong ginagawa. Hinayaan ko na lang na mapahiga ako sa lupa, dahil wala na rin akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na tuluyan akong mam@t@y. Pagod na pagod na ako, hindi ko na kayang mabuhay sa mundong ito. Mas gugustuhin ko na lang na tuluyang akong mawala, para maging masaya na si Tiyang at mga anak niya. Malaya na nilang maibenta ang bahay at lupa ng aking mga magulang, kapag wala na ako sa mundong ito. Title: The STORY of Us: TAMING THE PLAYBOY BILLIONAIRE (R-18+) Author: IronLady 2581(Follow me on Dreame and Yugto Apps for more exciting stories) Available only on Dreame and Yugto Apps.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook