Hanggang sa maramdaman ko ang biglang pag angat ng katawan ni Sir Jay. Napamulat ako ng mata, dahil sa pagtataka. Kitang-kita ko ang biglang pag angat at pagtalsik niya sa sahig. Nakita ko ang isang malaking tao na nagmamadaling sinundan si Sir Jay sa kinabagsakan nito. "Joy!..." "Joooy!" Nagtaka ako dahil may dalawang babae rin ang biglang lumapit sa akin at mabilis nila akong tinakpan ng kumot. Parang nagkakaroon nang makapal na ulap dito sa loob ng room, kaya hindi ko na sila makilala. Sino kaya sila? Sila kaya ang mga angels na ipinadala sa akin, para iligtas ako sa kamay ng isang dem0ny0 na nagkatawang tao? Muli akong pumikit, dahil umiikot na ang paningin ko. Para na akong hinihigop patungo sa isang madilim na lugar. Umiikot ang pakiramdama ko, hanggang wala na akong makita at m

