"Daddy, I want to have a very-very big birthday party on my 7th birthday next month! Gusto kong magpunta ang mga classmates ko dito sa bahay, tapos mag-costume kami like the K-Pop Demon Hunters!" salubong na sambit ni Kendra kay Jay. "I want to have an concert like the K-Pop Demon Hunters." dagdag pa nito. Biglang nagsalubong ang dalawang kilay ni Jay, dahil sa sinabi ng kanyang anak. Hindi niya maunawaan kung ano ang mga sinasabi nito, maliban sa gusto nitong magkaroon ng malaking birthday party sa mismong bahay nila. "Kendra, can talk about it later? Kararating ko pa lang dito sa bahay, at gusto kong magpahinga!" sagot ni Jay, habang hinihilot ang kanyaniyang sintido. Kanina pa sumasakit ang ulo niya dahil sa dami niyang mga binabasa, at pinag-aaralan na mga papeles. May mga hinaha

