KINABUKASAN ay nagpasama si Jay, kina Hanz at Nicolo para mamili ng mga gamit para kay Kendra. Magkakasama ang magkakaibigan na nagtungo sa Mall, para ibilhan ng mga kailangang gamit sa kuwarto ng bata. "Akala ko kanina, Anak n'yo ni Joy ang sinasabi mong bata. Anak mo pala sa babae mo!" may pagkadismayang sambit ni Nicolo. "Sa dinami-dami nang babaeng naikama mo, bakit kay Aubrey ka pa nagkaanak. Hindi mo ba alam ang eskandalong kinaharap ng pamilya nila, Bro? Buong mundo pinag-uusapan ang pamilyang Uson-Ledesma, dahil sa pagnanakaw nila ng ari-arian ng isang Japanese Businessman. At ang masaklap pa, pin*tay nila ang mag-ama para malayang makuha nina Donya Lavenia Uson, at Senator Reid Uson-Ledesma ang lahat-lahat na walang ibang maghahabol. Ngayon, iniuwi mo sa bahay mo ang anak ni Sen

