"Ma'am Joy! Anong nangyayari sa inyo!?... Ma'am!..." nag aalalang tanong ni Gema. "A-Ate, h-hindi ako makahinga..." nahihirapan na sagot ni Joy. Hawak nito ang kanyang dibdib at habol ang hininga. "Elma, ikuha mo ng tubig si Ma'am, dali!" utos ni Gema kay Elma. Mabilis tumakbo si Elma, patungo sa kusina. Nanginginig ang mga kamay niyang kumuha ng baso. Muntik pa niyang mahulog ang baso, dahil sa kabang nararamdaman. Hindi naman alam ang gagawin ni Gema, dahil sa nakikita niyang kalagayan ni Joy. Humahagulgol ng iyak si Joy at pulang pula ang buong mukha at leeg. "El—ma!... Bilisan mo!" pasigaw na pagtawag ni Gema sa kasama. "An—dyan—na!" pasigaw din nitong sagot. Nagkanda tapon-tapon na rin ang laman ng basong hawak niya, dahil sa sobrang nerbyos. Agad na kinuha ni Gema ang bas

