Bigla akong kinabahan, dahil sa gulat ko sa kanya. Hindi ko akalain na darating siya ngayon dito sa Mansion. Wala din nasabi sa akin si Nanay Maring na uuwi ngayon si Sir Jay, kaya wala akong ka alam-alam. "S-S-Sir J-Jay!" alanganin na sambit ko. Parang may nagkakarerahang kabayo sa dibdib ko, dahil sa lakas ng kaba ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, para akong mauupos na kandila na parang aatakihin sa puso. Bigla din akong pinagpawisan ng malapot, dahil sa pagka bigla. "S-Sir, p-pasensya na po kayo kung naabutan niyo ako dito sa kuwarto niyo. Nilinis ko lang po ang kuwarto at nagpalit ako ng kurtina at bed sheets n'yo. Pinalitan ko rin po ang comforter, para malabhan ko itong isa." nahihiya at kinakabahan na sambit ko. Hindi siya gumagalaw sa kanyang pagkakatayo. Nakatitig lang

