HINDI makatulog si Samantha, kaya nanood muna siya ng TV. Inilagay niya sa Yo*T**e at doon ito naghanap ng mapapanood. Hindi pa umuuwi ang kaniyang asawa, dahil may mahalaga itong nilakad kasama nang mga tauhan nito. Tahimik na nanunood si Sam, dahil nagustuhan niya ang palabas na kaniyang pinapanood. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras, at nang matapos ang kaniyang pinapanood ay eleven thirty na ng gabi. Muli niyang tiningnan ang kaniyang cellphone kung may message na si Nathan sa kaniya. Napangiti pa siya nang makita ang message galing sa asawa. Sinabi ni Nathan na pauwi na sila sa kanilang bahay, at tinanong pa siya kung may gusto siyang ipabili. Agad naman siyang nag-reply, at nagpabili ng balut at bibingka. Natawa pa siya nang ma-send ang message, dahil ayaw ni Nathan ang

