"P-Pero, Sir..." "Joy, makinig ka sa amin, anak. Hindi mo kailangang umalis sa bahay. Mula sa araw na ito ay parte kana ng pamilya. Isa kanang Del Valle. Lahat ng karapatan ay mapapa sa iyo, pagkatapos ninyong makasal ni Jay. Pa aaralin ka rin namin, para may pagka abalahan ka at matupad din ang mga pangarap mo na hindi natupad noon. Ngayon na ang tamang pagkakataon, para ibangon mo ang sarili mo." sabi naman ni Emily. Hindi nila napag usapan ni James ang sinabi nitong ipapakasal nila sina Jay at Joy, pero gusto niya ang plano ni James. Pare pareho silang magkakaroon ng peace of mind, kapag makasal ang dalawa. Hindi na rin siya mag aalala kay Jay na baka isang araw ay bigla na lang itong arestuhin ng mga pulis at ikulong. Napaka bigat na kaso ang 'R*p3', at hindi niya kakayanin na maki

