PABABA ng hagdan si Emily, nang mikita niya si Jay na naglalakad mula sa kitchen. May dala itong ice bucket at mga baso. Inilagay niya ang mga ito sa isang stainless tray na nasa ibabaw ng Bar Counter.
"Jay! Bakit naka trunk kang naglalakad dito sa loob ng bahay!? Nasa labas ang swimming pool, wala sa kusina. Tingnan mo nga ang sahig oh! Basang-basa na dahil sayo." mataas ang boses na pagsita ni Emily sa kanyang anak. Tumigil siya sa pagbaba sa hagdan nang makita niya ang binata na naglalakad patungo sa Bar Counter.
"Kukuha lang ako ng ice at whisky, Mommy. Babalik na ako sa pool." balewalang sagot nito sa ina.
"Nagpunas ka man lang sana at nagsuot ng robe, bago ka pumasok dito. Paano kung kami ng Daddy mo ang nadulas d'yan sa basang sahig? Anak naman... Isipin mo rin ang mga taong nakatira sa bahay na ito! Mamaya si Ate Maring ang nadulas d'yan. Alam mo namang mahina na ang paningin no'n, dahil matanda na." saad ni Emily sa bunsong anak.
"Mommy, halos kararating ko lang dito sa Pilipinas, pero sermon mo na naman ang maririnig ko. Mapa Paris o Pilipinas, sinesermonan mo 'ko. Mabuti pa, Mommy, ipalipat mo sa labas ang ibang alak, at mga baso. Para sa susunod na may bisita ako, hindi na ako papasok dito na basa, para kumuha ng alak na iinumin namin. May space naman sa labas, para gawing Bar Counter." sambit ng binata. Tumigil pa siya sa harapan ng ina at hinalikan ito sa noo, bago muling lumabas.
"Gusto niyo palang uminom, dapat bago kayo nag swimming kanina ay nilabas mo na ang mga kailangan niyo. Alam mong linggo ngayon, Jay. Pahinga ng mga kasambahay natin." sambit niya, ngunit mabilis namang naka labas si
Napabuntong hininga si Emily, dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. Naka simangot siyang tumingin sa basang sahig na dinaanan ni Jay.
"Mahal, sinong kaaway mo d'yan?" nagtatakang tanong ni James sa asawa.
Bukas ang pinto ng kanilang kuwarto, dahil hindi ito sinara ni Emily, paglabas nito kanina. Kukuha lang sana siya ng kakainin nilang prutas, nang makita ang anak na basang basa at naglalakad sa loob ng kabahayan.
"Hay naku, Mahal! Pagsabihan mo nga 'yong anak mo. Tingnan mo ang ginawa dito! Basang basa ang sahig, dahil pumasok na hindi muna tinuyo ang katawan. Ni hindi rin nag abalang maglagay ng robe o kaya'y nagtapis ng tuwalya. Paano na lang kung may ibang tao dito, makikita siyang naka trunk lang. Hindi runway itong bahay natin!" tugon ni Emily sa asawa.
"Huwag kanang magalit, Mahal. Hayaan mo't kakausapin ko siya bukas, para hindi na maulit ang ginawa niya." sagot naman ni James. "Tawagan mo muna sina Gema at Jaquie, para mapunasan ang sahig. Baka ang anak din natin ang madulas dyan, kapag pumasok ulit at kumuha ng mga kailangan nila." dagdag pa nito.
Masayang nag inuman sina Jay, at mga kaibigan nito sa mismong pool. Inilagay lang nila ang kanilang mga inumin sa gilid ng swimming pool.
Nag uunahan sila sa paglangoy at patagalan din sila sa pagsisid sa ilalim ng tubig.
"Punta kaya tayo sa Boracay next weekend, Bro. I'll call Lovies and Aubrey and invite them to come with us." pagyaya ni Nicolo kay Jay.
"Magandang idea 'yan, Bro. Isasama ko rin si Charmaine, para may kasama ako, mga Bro. Kawawa naman ako, kung manunuod lang ako sa inyo." saad naman ni Hanz.
"Alright! I'll ask my Dad to lend us one of the company's helicopters so someone can take us there and pick us up. We are leaving on Friday afternoon to make the most of our vacation in Boracay." pagsang-ayon naman ni Jay.
Nakababad silang tatlo sa gilid ng pool, habang umiinom at nagkukuwentuhan.
Ang ibang kasama naman nila ay nag iinuman sa may table sa pool side.
"Kung wala lang ang parents mo, Bro, tatawagan ko ang iba para mas masaya tayo dito." sabi ni Hanz.
Mahigpit na ipinagbabawal nina James at Emily na magdala ng mga babae si Jay at mga barkada nito sa loob ng bahay nila. Malaya si Jay na gawin lahat ang gusto niya sa labas, pero bawal itong mag uwi ng babae sa bahay nila.
"Kahit wala sila dito, Bro, bawal pa rin ang sinasabi mo. Do'n na lang sa Penthouse ko, kung gusto mo." sagot ni Jay.
"Dapat sinabi mo agad, Bro, para doon na lang sana tayo pumunta. Ang tagal ko na kayang hindi nakakapag exercise. Baka panis na 'tong- Uoch!" hindi naituloy ni Nicolo ang sasabihin, dahil sinuntok siya ni Jay sa tagiliran.
"Marinig ka ng parents ko, g@g*! Huwag niyong dalhin dito ang mga ugali niyo kung ayaw niyong ma-banned kayo dito sa mansion." mahinang sambit ni Jay.
Mahigpit na ipinagbabawal ng mga magulang niyang magdala siya ng babae sa kanilang tahanan. May mga consequences kapag lumabag siya sa kanilang mga house rules.
"Mag Bar na lang kaya tayo? Boring dito sa palasyo niyo, Bro. Bawal pati mag ingay!" pag anyaya ni Hanz.
Gusto niyang magsaya ngayong gabi, ngunit bawal naman silang mag ingay doon. Malapit lang kasi ang tulugan ng mga kasambahay at ibang nagtatrabaho sa mansion. Hindi sound proof ang mga bahay na pinagawa nila para sa kanilang workers, at puwede silang makagambala sa pamamahinga ng mga ito. Pagdating pa lang nila kanina ay nagbilin na sa kanila ang ama ni Jay. Nahihiya rin silang lahat, kaya walang maglakas loob na mag ingay.
"Mabuti pa nga! Tara na habang maaga pa para makarami tayo." sagot naman ni Nicolo.
"Sige, magbihis lang ako sa kuwarto ko." paalam ni Jay sa mga kasama. "You can use the shower room over there, para makapagbihis na rin kayo." turo niya sa shower room sa gilid ng pool.
Mabilis silang sumampa sa gilid para maka alis sa tubig. Pinulot din nila ang mga kalat nilang baso at inilagay ito sa ibabaw ng lamesa, bago sila nag shower at magbihis.
Nag suot ng bathrobe si Jay, bago pumasok sa loob ng bahay at patakbong umakyat sa hagdan, para makaligo at magbihis. Kailangan nilang magmadali, dahil baka hindi na sila papasukin sa Bar na pupuntahan nila.
PARANG may car racing sa highway, dahil sa mga mamahaling sports cars na nagpapabilisan sa pagtakbo, patungo sa Taguig. Walang may gustong mahuli sa kanila. Lalo na ang tatlong may pinakamagarang sasakyan.
Isang Yellow Lambourghini ang minamaneho ni Jay. Red Ferrari naman kay Hanz, at Bently naman kay Nicolo.
Ang apat pa nilang kaibigan ay nakasunod lang sa kanila. Nagmamaneho ng Rolls Royce si Dave, Porsche kay Hilton, Audi naman kay Jindel at Ford kay Edrian.
Nang wala na silang makitang sasakyan na makakasalubong ay humabol na rin sina Dave at Hilton. Tuwang-tuwa sila sa kanilang pagkakarerahan.
Nang makarating sila sa paborito nilang highend Bar sa Taguig Global City ay agad silang sumiksik sa crowd ng dance floor. Sumayaw ang magkakaibigan, habang naghahanap ng babaeng magugustuhan at dadalhin sa loob ng VIP room na kanilang kinuha, para doon gawin ang mga bagay na nakagawian nilang gawin.
******
HINDI mapakali si Joy, pagpasok nito sa kanyang kuwarto. Pinagpapawisan siya kahit naka ON ang aircon sa kuwarto niya. Magkahalong takot at kaba ang kanyang nararamdaman. Takot dahil baka mapagalitan siya ng kanyang mga amo, dahil sa hindi sinasadyang pagkakita niya kay Jay na walang damit. Labis din siyang kinakabahan, dahil sa gulat niya na sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nakakita siya ng lalaking tanging panloob lamang ang suot. Hindi lang ito basta lalaki, dahil isang kilalang hearthrobe male model si Jay. Pinapangarap ng bawat babaeng nakakakilala sa binata.
Napagpasyahan ni Joy na maligo na lang, para mawala ang init na nararamdaman. Ilang minuto pa siyang nagbabad sa shower, para kalmahin ang sarili.
Matapos mag shower ay humiga na si Joy para makatulog nang maaga. Ngunit hindi naman siya dalawin ng antok. Pabaling-baling lang siya sa higaan. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi siya makatulog. Parang nakikita pa rin niya ang matikas at maskuladong katawan ni Jay. Bawat parte nito ay parang dumikit na sa utak niya, kaya buhay na buhay ito sa kanyang imahinasyon. Pati ang tubig na naglalandas sa matipuno nitong dibdib ay parang nakikita niyang umaagos pababa sa abs ng binata. Ang hulma mula sa dibdib at tiyan nito na parang nakakaakit hawakan, at higit sa lahat ay ang mapulang labi ng binata na tila nakaka uhaw titigan.
"Hhhhhhhhh!" gigil na sambit ng dalaga, at agad na umupo sa kama. Marahas na kinamot ang ulo, kulang na lang ay sabunutan niya ang sariling buhok sa inis niya sa sarili. "Nababaliw kana, Joy... Kailan ka pa naging balisa dahil lang sa isang lalaki? Umayos ka! Hindi ka puweding mawala sa katinuan. Tandaan mo, anak 'yon ng mga amo mo. Hindi mo dapat iniisip ang nakita mo, dahil malaking kasalanan 'yon." pagkausap niya sa sarili.
Muling humiga si Joy at nagtakukbong ng kumot. Pilit nitong ipinikit ang mga mata, para makatulog siya. Madaling araw na rin iyon, pero hindi pa siya natutulog. Maaga pa siyang gigising bukas, kaya kailangan niyang makatulog kahit ilang oras lang.