GULONG-GULO ang isip ko, matapos kong mabasa ang liham ni Mama. Hindi na rin ako nakatulog, dahil sa malalim kong pag iisip. Naligo na lang ako at bumaba sa dining para mag breakfast. Dinala ko rin pababa ang tray na nilagyan ko ng pagkain ko kaninang madaling araw para mahugasan sa kusina. "Good morning, Ma'am Joy! Naku Ma'am, pasensya kana kung natulog na kami kagabi. Hindi kana namin nahintay na bumaba. Late na rin kasi, at inaantok na kami ni Elma." bungad sa akin ni Ate Gema. Kinuha rin niya sa akin ang buhat kong tray, para dalhin sa lababo. "Okay lang 'yon, Ate Gema. Walang problema sa akin 'yon. Alam ko namang pagod kayong dalawa sa mga trabaho ninyo dito sa bahay. Hanggang nine lang din ang trabaho ninyo, kaya wala kayong dapat alalahanin." tugon ko. "Salamat, Ma'am!" tugon n

