HINDI napigilan ni Samantha ang kaniyang luha na mag-unahan sa pagbagsak, dahil sa awa nito kay Joy. Hindi makapaniwala si Sam na nagawa ni Jay ang lahat nang iyon kay Joy. Pulang-pula naman ang mukha ni Nathan, dahil sa galit niya sa kapatid. Kuyom ang magkabila nitong kamao, at walang tigil sa pag-igting ang magkabilang panga nito. Pinagpapawisan, kahit napakalamig ng centralized air-conditioning system sa loob ng Library ni Joy. "Hindi rin naging madali ang sa amin noon ni Nathan, pero ni minsan hindi ako sinaktan physically ng asawa ko. Kahit anong galit niya sa akin noon dahil sa kaseselos niya, pero hindi ko naranasan ang mga naranasan mo kay Jay!" umiiyak na sambit ni Samantha. Agad naman siyang niyakap ni Nathan, at pinakalma. "Napakahayop talaga ng tarantandong 'yon! Mabuti

