ALAS TRES ng hapon pa magsisimula ang Party, ngunit marami nang nagdadatingan na mga bisita. Ang mga bata, at teachers na invited ay sakay ng School bus na dumating. Sa labas ng gate lang nag parking ang driver para hindi ito mahirapan sa pagbuwelta mamaya kapag uwian na. Habang hindi pa nagsisimula ang Party ay naglaro muna ang mga bata. Maraming inihandang laro ang organizer ng party, at ang mananalo ay may matatanggap na premyo. Dumating na rin ang mga kaibigan ni Aubrey. Sinlubong niya ang mga ito, at pinapasok sa loob ng bahay. Pinaupo muna niya ang mga ito sa Lounge area, para comfortable silang makaupo, habang naghihintay sa pagsisimula ng party. Muling nagpaalam si Aubrey sa mga ito, at muling binalikan ang mga bisita na nasa garden. Masayang naglalaro ang mga bata, kasama

