MATAPOS MALIGO ni Jay ay agad siyang humiga sa kama para matulog. Madaling-araw na rin iyon pero hindi pa siya makaramdam ng antok. Pabaling-baling siya sa higaan, at pilit na kinukuha ang tulog. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata'y mukha pa rin ni Joy ang kanyang nakikita. Nakangiti ito sa kanya na parang tinatawag siya nito kaya agad siyang nagigising. Hanggang sa muling naalala ni Jay ang mga sandaling pinagsaluhan nilang dalawa. Muli siyang nakaramdam ng matinding pangungulila, nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga gabing magkatabi sila sa higaan at parehong tinatawag ang pangalan ng isa't-isa habang pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga katawan. Hindi man sila nagkaroon ng relasyon na matatag bago nagpakasal. Ngunit ang kanilang mga katawan, ganon din ang kanilang damd

