AGAD kong inayos ang kama, bago ako magbanyo. Naka ugalian ko nang gawin ito, kaya mabilis lang sa akin na ayusin ang sarili kong higaan. Hinawi ko rin ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana, para pumasok ang sariwang hangin at hindi amoy kulob ang loob ng kuwarto ko. Napansin ko rin ang isa pang glass door sa likod ng single sofa, kaya lumapit ako at tiningnan kung saan ito papunta. Napangiti ako dahil nakita kong mayroon pala'ng balcony itong kuwarto ko. Nakaharap din ito sa garden, kaya magandang mag relax dito sa gabi. Hmm, masubukan ngang magtambay dito sa labas mamayang gabi. Mayroon ding duyan na korting sofa sa labas. Makaligo na nga para maka kain ng agahan. Gusto ko ring bumaba at ikutin ang buong bahay. Mabilis akong naligo at nag bihis. Nagsuot lang ako ng simp

