Have you ever dreamed of being wealthy and having everything in the world? Because I do. I always dreamed of being rich.
Pangarap kong yumaman.
Una, para maiahon sa hirap ang aking pamilya. Pangalawa, para maranasan ko naman ang makakain ng masasarap bukod sa mga gulay mula sa aming bakuran at mga native na manok na alaga ni Itay. Pangatlo, gusto kong tumira sa malaking bahay. Maraming kwarto at banyo, may sariling kusina at higit sa lahat, may aircon. Pang-apat, gusto kong magkaroon ng mga kaibigan na mayayaman. Tipong gagala kami sa kahit saan kapag walang klase. At panglima, gusto kong makapunta sa iba't ibang lugar sa Huong mundo. Iyon ang mga pangarap ko.
Subalit paano ko iyon matutupad kung nakatira kami sa isang liblib na lugar, puro bundok at mahirap na community? Life here is so hard. Kahit anong kayod ng mga magulang ko, sapat lamang ang kinikita nila upang makakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
Ang Inay ko ay labandera sa kabilang bayan. Sa ibabang parte ng mabundok na kinaroroonan namin sya nagtatrabaho. Dumarayo pa sya doon sa araw-araw para lamang kumita ng pera. Si Itay naman ay nagsasaka ng mais. Hindi kaniya, isa lamang siyang tagapag saka ng maisan ni Kapitan. Kaya't maliit lang din ang kinikita niya.
Mahirap lamang kami. Nag-aral ako hanggang high school sa pamamagitan ng libreng scholarship, subalit hanggang second year lang ako sa college dahil bukod sa malayo ang paaralan, hindi rin kayang tustusan ang bayad doon.
Libre naman na ang miscellaneous fee dahil public university ito, but yung mga babayaran na extra like pamasahe everyday na balikan, baon, bayarin sa subjects, textbooks, at projects ay hindi kaya. Idagdag pa na kailangan ng at least phone. Eh hindi namin afford. So, I decided to stop muna and help my parents.
Ngayon, isa akong barista sa maliit na milk tea shop dito sa bayan. Ngayon, tatlo na kaming kumakayod sa buhay. Nakakapag ulam na kami ng piritong manok minsan sa isang linggo. Hindi na namin ginagawang kanin ang mais. Totoong bigas na ang nabibili namin. Nakakabayad na din kami ng utang. Kaunting tiis pa, mapapakabitan ko na ng kuryente ang bahay namin. Kaya mas nagtitipid ako.
"Sandra, kumain na muna tayo. Wala pa namang bumibili." pag-aaya sa akin ni Doray, ang kasamahan ko sa trabaho. Tumango ako sa kaniya.
Inilabas namin ang packed lunch namin. Luto ito ni Itay, adobong sitaw na may corned beef ang ulam ko. Pinapabaunan niya kami ni Inay palagi para tipid sa pera at para na din siguradong malinis daw at healty ang kinakain namin.
Nakakatuwa nga eh. Dati, walang sahog ang adobong sitaw niya. Ngayon, nasasamahan na ng corned beef. Patunay na mayroon ng kaunting development ang buhay namin. Pasasaan ba at makakaakyat din kami sa tuktok.
"Sitaw na naman? Buti hindi ka nagkakaroon ng gout sa kakakain mo n'yan." reklamo ni Doray.
Sa loob ng isang taong pagtatrabaho dito, naka close ko na si Doray. Mas matanda siya sa akin ng limang taon kaya para ko na s'yang Ate kaya lang ay ayaw niyang magpatawag ng ganoon dahil mas tumatanda daw sya tignan. Kaya Doray lang mismo ang tawag ko.
Maganda ang pangalan niya, Isadora, subalit ayaw daw niya iyon. Kaya't kilala siya bilang Doray, ang chismosa ng Bayan ng Mulan.
"Kapag nakaahon na sa hirap, makikita mo, lechong manok na ang babaunin ko." natatawang sagot ko sa kaniya. Sanay na ako sa mga biro niya sa akin, hindi kasi plastic ang isang ito. Totoo siya at praktikal. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay puros masasakit na salita, dahil totoo ito.
"Asus, sabihin mo, kapag mayaman ka na, hindi ka na magbabaon dahil kakain ka na sa labas! Ganun dapat!"
Natawa na lang ako sa kaniya. Nilagyan niya ako ng kapirasong atay ng baboy na ulam niya. Ang magulang kasi niya ay nagtatrabaho sa katayan ng baboy sa palengke. Kaya madalas niyang ulam ay nga lamanloob ng baboy, na kinukuha ng magulang niya sa trabaho nito.
"Oh ayan, kumain ka ng atay para hindi masira ang atay mo dahil palagi ka na lang Adobo." aniya, natatawa.
"Salamat, heto ang sitaw kumuha ka din." iniumang ko sa kaniya ang ulam ko subalit ngumiwi lamang siya. Oo nga pala, she hates vegetables. Hindi sya palakain nito kaya nga puro karne siya, o kaya naman ay lamanloob. Ewan ko na lang kundi sya magkaroon ng hepa.
"Sayo na 'yan, inday. Di bale na," tumawa sya kaya kumain na lang kami ng maayos.
"Well, well, well. Look who are there." sabay kaming umagat ng tingin sa nagsalita.
Muntik na akong mabulunan ng makita si Theresa, ang mortal enemy namin ni Doray. Dati siyang tindera na katapat lang ng milk tea house na pinagtatrabahuhan namin. Nagtitinda lang sya dati ng burger. Subalit nakaahon sa buhay dahil nag-asawa ng 4M. Matandang mayamang madaling mamatay. Ngayon ay nakatira sila ng amerikano niya sa bahay nila.
"Oh, bibili ka ba Theresa?" masungit agad ang bungad ni Doray sa kaniya.
Theresa looked at us, na para bang diring diri sya sa amin. Lalo na ng makita niya ang ulam ko. Ngumiwi sya at kunwari'y nasusuka. As if naman hindi sya nag-uulam nito, eh dati nga nag-uulam lang din sya ng fishball sa tabi.
"Why will I bought? It cheap and disgusting." aniya,
Iniling ko na lamang ang aking ulo. Theresa is bad at speaking in English but she's trying hard dahil ang matandang asawa niya ay iyon ang dialect.
Minsan ko na siyang sinaway at tinuruan ng tamang salita, subalit naging negatibo iyon sa kaniya at ang ending, ako pa ang naging masama. Kaya mula noon, hindi ko na sya tinulungan pa.
"Tangina mo talaga, ang baho ng English mo." subalit si Doray ay walang pasensya. Kahit hindi sya nakapag tapos ng college, marunong naman siyang mag English kahit papaano. Kaya alam niyang mali ang mga sinasabi ni Theresa.
Namula sa galit ang babae. Sinamaan niya kami ng tingin. "Kayong mga mahihirap kayo, ang papangit nyo na nga, ang pangit pa ng ugali nyo!" galit na sigaw niya.
I frowned. Pinigilan ko ang mag react ng todo. Ayoko ng gulo. Palagi akong pinapaalalahanan ng parents ko na dapat ay maging mapag pasensya. Lalo na sa mga ganitong tao.
"Ano kamo?" galit na tumayo si Doray kaya agad ko siyang pinigilan.
Tumawa si Theresa. Ang boses niya ay tumawag pansin sa katabi naming stall dito sa palengke. Ngayon ay pinagtitinginan na naman kami.
"Ikaw buwakanangina kang babae ka, tumigil tigil ka ha! Sinasabi ko sayo, mahal ko lang ang trabaho ko kaya hindi kita tuluyang pinapatulan. Pero huwag mong putulin ang natitira ko pang gahiblang pasensya, dahil sa kangkungan ka pupulutin ng matanda monf asawa kung hindi ka lulubay!" galit din na sigaw ni Doray.
Mas lalong nagalit si Theresa. Nagpapasalamat ako dahil mayroong harang sa gitna nila, dahil kung hindi ay baka nagsabong na ang dalawang ito.
"Putangina mo pala eh! You is ugly! Poor and ... and... smell mabaho!"
Tumawa ng malakas si Doray. Tuluyan na kaming nakakuha ng pansin ng mga tao.
"Tanginang English 'yan, hiyang hiya sayo! Napaka trying hard mo! Akala mo kung sino kang mayaman? Eh nakapangasawa ka lang ng kano, kaya ka umunlad. Tignan natin ang angas mo kapag naghirap 'yang asawa mo, panigurado iiwan mo rin 'yan!"
"Inggit ka lang! Ako kasi ang nakapag-asawa ng mayaman, eh ikaw? Nganga! Walang nagkakagusto sa inyong dalawa. Dukha kasi kayo! Mga pangit! Mababaho! Mga taong bundok!"
When she's about to slap Doray, that's when I interrupted. Agad kong sinapo ang braso nya kaya napasinghap siya.
"You don't have the rights to slap her. Stop being a war freak, Theresa. Grow up! You're not just the single lady anymore, you are already married. To an old man! Where's your character development? Your maturity? Where is it? Don't talk about being poor because you knew it too well. You are also poor. You're bragging about being married to a rich old hag? Well, we don't care! So, mind your own business! Because we are trying to live in peace here. Stop harassing us or I will report you to the police. There's a CCTV inside this store in case you don't know. You are being recorded!" I shouted in her face.
She froze. Not because of being intimidated or scared, but because she doesn't understand what I've said. Natameme siya.
"Oh ano? Di ka nakapalag ano? Kami pa hahamunin mo ng English, wala ka namang laban sa amin! Umuwi ka na nga, puta ka! Nanggugulo ka pa dito!" malakas na dugtong ni Doray.
Nakarinig kami ng palakpakan kaya sabay kaming tatlong lumingon sa harapan, only to see group of people watching us. Tila humanga sila sa nangyayari. Namula ang mukha ko. Si Doray naman ay walang hiyang kumaway pa. Subalit si Therese ay galit at nagmartiyang umalis.
Pinagtatawanan kasi sya ng mga tao.
"Iba ka talaga, Sandra! Ang talino mo talaga!" sigaw ni Kaloy, tindero ng ihaw-ihaw sa kabilang side namin.
"Napaka sama naman kasi talaga ng ugali ni Theresa, pumuti lang eh akala mo kung sino ng mayaman." sabat ni Aling Onya, bagong tindera ng burger sa tapat.
"Sinabi nyo pa! Ang landi-landi naman. Nakita nga yan ng asawa ko sa beer house nung isang gabi, tumetable daw sa parokyano. Feeling walang asawa!" sitsit ni Aling Oka.
Naupo na lamang ako sa upuan at hindi na sila pinakinggan. Bahala na sila, hindi ko gusto ang pakikipag tsismisan. Nagpatuloy ako sa pagkain, si Doray ay naki marites sa kanila saglit bago bumalik sa pagkain.
Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay nagsarado na kami. Dumating na din kasi ang may-ari dahil sya ang palaging nagsasara at nagbubukas nitong Milk Tea shop. Pag-aari ito ng anak ng Mayor ng lugar. Mabait pero masungit si Sir Jomarie. Tahimik at suplado.
Nag inventory lang kami tapos ay nagpaalam na. Dumaan muna ako sa laundry shop, nilakad ko ito, mga fifteen minutes ang layo sa pinagtatrabahuhan ko. Naabutan ko si Inay na nagtitiklop na ng mga kagamitan sa laundry shop. Dito sya nagtatrabaho.
"Oh anak, nand'yan ka na pala. Sandali lang at tatapusin ko lang ito." aniya ng makita ako.
Sa halip na maupo, tinulungan ko na lamang siya sa gawain nya upang mapabilis. Ganito naman kami palagi.
"Balita ko ay nakipag away na naman daw sa inyo si Theresa, sana ay iniwasan mo na lang anak. Huwag kang pumapatol dun at may saltik yata iyon." aniya na ikinatawa ni Aling Razon, ang amo niya na may-ari ng laundry shop. Ito ang nakaupo sa cashier at katulong din sa pag-aayos dito.
"Eh Inay, nanahimik naman po ako gaya ng turo nyo sa akin. Si Doray lang ho ang kasagutan niya, subalit mas lumala po yata ang kabaliwan ng babaeng iyon. Sasampalin na niya si Doray kaya inawat ko lang. Eh ginamitan ko ng English kaya ayun, nag walk out. Nakakainis kasi, mali na nga ang grammar, mali-mali pa sinasabi. Kung sana tama ang English nya, hindi ko na sya papansinin."
Napakamot na lamang ng ulo si Inay. Sa tuwing nagkakaroon kasi ng gulo sa palengke, malimit na si Theresa ang may dahilan nito. Kaya kilala na sya at binabansagang baliw dito. May pakpak pa naman ang balita, ang bilis kumalat.
"Oh sya, tara na at umuwi. Nagugutom na ako. Baka naiinip na ang Itay mo."
Twenty minutes kaming naglakad ni Inay para makapunta sa aming tinutuluyan. Medyo mataas itong lugar. May mga kapitbahay naman sa paligid kaya kahit madilim ay safe pa din. Isa pa, magkakakilala na kami dito.
Pagdating sa bahay ay naabutan namin si Itay na hinihintay kami. Handa na ang pagkain.
"Mabuti at nandito na kayo, kumain na tayo. Nagluto ako ng sinigang na gulay."
RHEASEA💜