Minsan, naiinggit ako sa mga taong nakikita kong bumibili sa amin. Nakakainggit na palagi silang may extra para makainom ng milk tea. Nakakainggit din yung mga taong nagbabayad na lang para makapag palaba sila ng damit. Hindi na nila kailangang magpaka pagod sa paglalaba. Dahil sa tulong ng pera, may iba ng gagawa nito para sa kanila.
Life is really unfair. And I hope that someday, maranasan din namin iyon. Tumatanda na ang parents ko, nakukulubot na ang balat. Ayoko namang kamatayan nila ang pagiging mahirap.
"Dalawa nga pong milk tea. Isang matcha at isang Taro, Ate."
Nginitian ko ang dalawang estudyante sa harapan ko. Nakaakbay ang lalaki sa babae, halatang magkasintahan sila.
Isa ito sa ikinaiinggit ko. Nakakainggit ang mga kabataan ngayon. Sa murang edad ay nagkakaroon na sila ng kasintahan. Samantalang ako na bente na, at nasa tamang edad na ay minamalas at wala man lang nagiging nobyo. Sobrang malas ko yata. Mahirap kasing maging mahirap. Aayawan ka ng mga tao.
Noong first year college ako, niligawan ako ng kaklase ko. May hitsura naman sya, simple lang din ang pamumuhay. Matalino at masipag. Subalit ng malaman niyang nakatira ako sa bundok at mahirap lang ako, ayun, tinigilan ako. Huminto sa panliligaw at kinabukasan, nalaman ko na lang na iba na ang gf niya.
Sa panahon ngayon, kapag mahirap ka, tae ka lang sa mga tao. Kaya nga dapat ay magsumikap at hangarin na yumaman tayo.
"Grabe 'no? Daig pa tayo nung mga high school students. Buti pa sila may mga jowa na, habang tayo? Waley pa din. Ang saklap ng life."
Tinawanan ko na lang si Doray. Katulad ko, isa din siya sa naiinggit sa buhay ng ibang tao.
"Hayaan mo, pasasaan ba at makakahanap din tayo ng jojowain natin. Yung mayaman na iaahon tayo sa buhay. Yung gwapo at may lahi para maganda ang maging lahi ng anak natin. Konting tiis pa," pagpapalakas ko ng loob niya.
"Asus, kelan pa kaya? Kapag wala na ako sa kalendaryo? Ay nako. Twenty five na ako, Sandra. Ikaw naman ay bente pa lang. Mas mahaba ang chance mo. Samantalang ako malapit ng mag expired ang matres ko. Paano pa ako magkakaanak nito? Minsan nga ay naiisip ko na lang na sagutin ang manliligaw kong si Onyok. Para magkaanak na ako. Kaya lang ay iniisip ko ang magiging buhay ko at ng magiging anak namin pag nagkataon. Ano naman ang ipambubuhay niya sa amin eh construction worker lang siya? Kulang pa nga sa pamilya niya ang sinusweldo nya."
Mayroon kasing manliligaw ang kaibigan ko. Isa itong construction worker na kaedaran niya dahil kababata niya ito. Kapwa hindi nakapag tapos ng pag-aaral. Ito ang bread winner sa pamilya niya kaya todo kayod. Ilang taon na din niyang inaawitan si Doray subalit ayaw siya nitong sagutin. Ito ay dahil sa buhay na mayroon sila.
Ang paliwanag ni Doray ay "Parehas na nga kaming mahirap, mag-aasawahan pa kami? Edi mas lalo kaming magiging mahirap." kaya ayaw niya talaga itong sagutin. Gayunpaman, ramdam kong tinatangi nya ang kababata.
Sadyang nahihirapan lang siyang tanggapin dahil sa uri ng buhay nila.
Kahit ako din naman, gusto kong makaalis sa lugar na ito. Maynila. Sabi nila, doon daw maganda ang buhay. Malaki ang sweldo sa mga trabaho, maganda daw mamuhay doon. Pangarap ko din naman magpunta doon. Pero mahal ang pamasahe.
"Kaunting tiis lang, Doray. Aahon din tayo."
"Oh God, this place is like an oven. It's so hot!" tumunog ang chime na nakakabit sa pintuan kaya alam naming may pumasok.
Isa itong sopistikadang ginang. Sa tantiya ko ay nasa mid forties na ito. Or early fifties. Maganda siya, maputi at halatang mayaman. Masasabi na agad ito sa damit na suot niya, lalo na sa bag na dala niya. Balat ng crocodile. Ang ganda din ng kutis niya mala-porselana.
Inalis nya ang mamahaling salamin sa mata ay ipinatong ito sa ulo niya. She smiled at us. It reminds me of someone kaya napangiti din ako. She's very beautiful and she looks really kind.
"Magandang hapon po, Madam. Welcome to Fun Tea House. Ano pong order nyo?" magalang kong pagbati.
She giggled. "Nakakatuwa naman ang pangalan ng shop nyo. It's unique." aniya. Lumapit sya sa counter at tinignan ang menu sa ulunan namin.
"Hmm.. give me the refreshing drink that you have. It's so hot in here. Make it the tallest." she sweetly said. Agad akong tumango at ngumiti.
"Sure, Madam. You may take a sit po para makapah relax ka. We'll serve it na lang po." sagot ko sa kaniya.
Inilabas niya ang isang libong papel oaya tinanggap ko iyon. Nilista ko ang order nya at susuklian na sana siya subalit tumanggi sya.
"No, it's fine. Keep the change. Put it on the tip jar." itinuro niya ang jar sa gilid ko.
"Madam? Masyado pong malaki." pagtanggi ko. Sanay kasi kami na bente ang pinaka malaking tip na nakukuha namin. And sa kanya, 850 ang magiging tip. Mas malaki pa sa babayaran niya.
Tumawa sya. "It's alright! Libre ko na kayo. Just keep it." aniya at naupo na.
Nagkatinginan kami ni Doray. Nagliliwanag ang mga mata. Ngayon lamang ito nangyari sa isang taon ko dito. Kaya naman tuwang tuwa kami. Masayang masaya kami dahil dito. Tinapatan pa nga namin ng electric fan si Madam na ikinatuwa nito.
Tumambay lang sya saglit dahil dumating din agad ang magarang kotse sa harapan. Ang sundo niya. Ngumuti pa sya at nagpaalam nung umalis siya. Sobrang saya namin ngayon.
"Iba talaga ang mayayaman, barya lang sa kanila ang isang libo. Samantalang sa ating mahihirap ay para na itong ginto. Tatlong araw na nating sweldo iyon. Sana all talaga."
Dahil sa nakuhang tip, mas ginanahan kami ni Doray. Sakto pa, na maagang dumating ang amo namin. Maaga daw magsasara ngayon, kaya alas sinco pa lamang ay sarado na kami. Masaya akong naglakad papunta sa laundry shop. Nasa isip ko pa din ang mabait na ginang kanina. Halatang mabait ito, dahil may katawagan siya kanina. Anak niya yata. Sobrang lambing niya at ang sarap pakinggan ng boses niya.
Para siyang si Inay. Ganoon din akong lambingin ng aking ina mula ng bata pa ako. Kaya magaan ang loob ko sa ginang kanina eh. Naaalala ko sa kaniya si Inay.
Pagdating ko sa pinagtatrabahuhan ni Inay ay hindi ko sya doon nakita. Tanging ang amo lamang niya ang naiwan.
"Oh, Sandra. Nand'yan ka na pala. Ang aga mo yata?" bungad nito sa akin.
"Opo, maaga pong pinauwi eh. Nasaan po pala si Inay?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Ay ito na nga, umuwi na ang Inay mo. May dumating kasing babae, kakilala niya. Ayun, nagkasagutan sila. Tapos ay umuwi na ang Inay mo. Maagang nagpaalam. Sinabi niya na kapag dumating ka ay sabihin ko na lamang na nauna na sya at umuwi ka na din."
Ha? Nagulat ako. Si Inay? May kaaway? Kahit kailan ay hindi nakipag sagutan ang inay ko. Sya ang kilala ko na pinaka kalmado at mapagpasensiyang tao. Kahit si Itay ay hindi niya nakakaaway. Napaka bait nito. Kaya sino naman kaya ang dumating na babae para maging dahilan na umuwi si Inay? Nasaktan ba sya?
Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Hindi maaari. Hindi ko hahayaang masaktan ang pamilya ko.
"Sige po, salamat, mauuna na po ako." pagpapaalam ko dito, nagtatakbo na ako para makauwi na.
Hinihingal ako habang tumatakbo. Yakap ko ang maliit na backpack ko, kinakabahan ako at medyo naiiyak na. Iniisip ko pa lang na nasaktan ang Inay ko ay hindi ko na kinakaya. Naiiyak na agad ako.
May nadaanan akong kotse sa may ibabang bahagi subalit walang tao doon. Kaynino kaya ito? Tumakbo pa ako para makapunta sa amin. Nakalabas ang mga tao sa paligid, tumitingin tingin sa gawi ng bahay namin.
"Sandra, may bisita kayo. Mukhang mayaman." ani Manang Choleng, kapitbahay namin.
Tumango lang ako at saka humahangos na tumungo sa loob namin. Nakita ko agad ang lalaking naka black na nasa pintuan namin. Sinamaan ko sya ng tingin. Sino ang lalaking ito? Wag lang nilang sasaktan ang magulang ko at hahabulin ko sila ng taga.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" matapang ko siyang hinarap. Tinignan niya lang ako saglit pagkatapos ay dumiretso sya ng tingin sa hangin.
Gago 'to ah?
Didiwaraan ko na sana sya yun nga lang ay may kumalabog sa loob ng bahay namin. Agad kong tinulak ang pintuang gawa sa yero kaya't lumikha ito ng malakas na tunog. Nagulat ang tatlong tao sa loob ng bahay namin.
"Ano po ang nangyayari dito?" una kong nakita si Itay, yakap niya si Inay.
Mugto ang mata ng Inay. May luha ito at namumula. Si Itay ay halatang nag-aalala para sa asawa. Kaya naman tinignan ko ang kausap nila.
Suminghap ako ng makilala ang babae. Yung mayamang Ginang! Anong ginagawa niya dito?
Nagulat din sya ng makita ako. Hindi inaakala na ang kaninang nagserve sa kaniya ng inorder niya at binigyan ng malaking tip ay nasa harapan niya ulit ngayon.
Anong ginagawa ng mayamang ginang na ito sa loob ng maliit at mainit na bahay namin?
"Ano po ang ginagawa nyo dito, Madam?" tanong ko sa kaniya. Nilingon ko ang magulang ko. "Inay, Itay? Ano po ang nangyayari? Bakit nagkakagulo kayo? Bakit may ibang tao dito?"
Suminghap si Madam. Napahawak siya sa dibdib niya.
"May anak ka na, Sabelita?" gulat na tanong niya.
She knows my mother's real name. Who is she ba? Magkakilala sila?
Dumilim ang mata ni Inay. "Umalis ka na, Sally. Hindi ko tatanggapin ang gusto mo. Wala kang mapapala sa amin. Maaari ka ng bumalik sa Maynila. Hindi ka namin kailangan." galit na ani Inay.
Ako naman ang suminghap. Ano daw? Ano ba ang context ng away nila? Bakit galit na galit ang Inay ko? Bakit pinapaalis niya si Madam na Sally pala ang pangalan?
Lumambot lalo ang ekspresyon ni Madam Sally. Mangiyak-ngiyak niya kaming tinignan.
"I'm telling you, Sabelita, Mommy wants to see you. She's on her death bed. All she wishes is to see you before she dies. Why can't you just follow her for once?"
Pumatak ang luha sa mata ng aking Inay. Tila nanghina sya sa narinig. Wala pa din akong maintindihan sa nangyayari. Mommy? Sino ang tinutukoy nila?
"Sabelita, I'm still your sister. You don't have to hide anymore. Hindi na galit si Mommy. Tanggap na niya ang desisyon mo. She's been looking for you for years now. Maawa ka naman sa kanya. Kahit anong kasalanan niya, sya pa din ang nagluwal sa atin."
I gasped again. Sister? Kapatid siya ni Inay? Totoo ba? Ang magandang ginang na ang ngalan ay Sally, ay kapatid ni Inay?
That's why her smile is familiar! Kaya pala ang tipo ng paglalambing niya sa anak ay katulad ng kay Inay! Dahil magkapatid sila! Pero teka... akala ko ba wala ng pamilya ang Inay ko? Bakit bigla na lang may lumitaw ditong kapatid niya?
Looking at them, ngayon ko nakikita ang similarities nila. They have the same face. Parehas heart shaped. Ang kilay at ilong ay magkatulad. Maputi si Madam Sally while kayumanggi si Inay dahil sa hirap ng buhay. But then... they looked like each other!
"Maawa? Bakit? Naawa ba sya noon nung nanghihingi ako ng tulong sa kaniya habang nasa ospital ako? Tinulungan ba niya ako ng makunan ako? Tinulungan ba niya kami habang naghihirap kami sa buhay? Hindi! Sa halip, pinahirapan pa niya kami! Pinalayas niya kami sa Maynila! Kaya wala kaming choice kundi manirahan sa bundok dahil kahit saan kami magtago, pinapahirapan niya kami! Ngayon mo sabihin na dapat akong maawa sa kaniya dahil mamamatay na siya?"
Ramdam na ramdam ang poot, sama ng loob at hirap sa boses ni Inay. Puno ito ng hinagpis dahil sa hirap na inabot niya. Naiintindihan ko kung bakit ganito sya ngayon. This is the very first time that I saw her like this. At hindi ko mapigilang masaktan.
Nagbagsakan ang luha sa aking mga mata. I didn't know anything about my mother's hardship before she had me. And it hurts so bad.
RHEASEA💜