"WEH? DI NGA?!"
Hindi makapaniwala si Doray sa mga binibida ko sa kaniya. Monday ngayon at pumasok na ako sa trabaho. Tapos na ang one week vacation ko, ngayon nga ay nakabalik na ako para harapin ang panibagong bukas.
"Oo nga, magsisinungaling ba naman ako sa'yo?"
Hinahalo ko ang tinimplang milktea ng na order ng isang customer. Sampu ang order niya kaya magkatulong kami sa ginagawa. Ganito naman talaga ang trabaho namin. But this time, I'm telling her what happened to me in Manila.
"Grabe, nakakainggit ka talaga. Ang ganda pala ng pamilyang pinagmulan mo? Pero bakit naman kaya ayaw ni Aling Sabel na doon kayo tumira? Na manahin niya ang yaman ng pamilya niya? Bakit ayaw niyang tanggapin ang para sa kaniya?"
Hindi ko naikuwento sa kaniya ang dahilan ni Inay, hindi naman buong pagkatao niya ang binida ko sa kaniya. Privacy kasi iyon ni Inay, kahit naman best friend ko itong si Doray ay hindi pa din pweding ibroadcast ko sa kaniya ang lahat ng sikreto namin.
My Mom chose to keep her past as a secret, kaya wala akong karapatang pangunahan siya. She wanted to keep a low profile, I'm respecting it.
"May dahilan si Inay. At nirerespeto ko iyon. Naiintindihan ko naman sya, wala ako sa posisyon niya para magpumilit na tanggapin iyon. Malupit din ang naging tadhana sa kanila ni Itay. Although hindi ako nawawalan ng pagasa, nananalangin ako na sana ay kahit payagan niya na lang akong doon mag-aral at magtrabaho."
Doray agreed with me.
"Oo den, pero malulungkot ako kapag nangyari iyon. Mawawalan na ako ng bestfriend. Nasanay na kasi akong magkasama tayo six times a week, kaya kung sa Maynila ka titira ay hindi na tayo magkikita panigurado." malungkot na turan ni Doray kaya tinusok ko ang tagiliran niya.
"Wag mong isipin iyan. Kahit nasaang lupalop ako, ako pa din ang bestfriend mo. At ikaw lang din ang bestfriend ko." napangisi siya sa sinabi ko.
"Kahit na magkaroon ka ng new friends sa university na papasukan? Mas madaming tao doon, mas madali magkaroon ng bff. Hindi mo pa din ako kakalimutan?" paninigurado pa niya kaya natawa ako.
"Siyempre naman! Hindi ko kakalimutan ang paalala ni Jose Rizal no! Hindi ko kakalimutan ang pinanggalingan ko." natatawa ko namang sagot.
"Hay nako... sana all nakapag tapos ng pag-aaral. Sana all may jowa. Sana all mayaman."
Umiling na lang ako. Sinuklian ko na ang customer matapos iabot sa kaniya ang mga orders niyang naka plastic. Ngumiti ito at nagpasalamat.
"Pasasaan ba at makakamit din natin 'yan." pagpapalubag loob ko sa kaniya.
Bigla ay hinarap ako ng kaibigan. Nakangisi ito at tila nanunukso kung tumingin.
"Hmm... sabihin mo nga sa akin, may nakilala ka bang AFAM doon? O kahit Manila boy man lang?" aniya at tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Nakikiliti ako kaya umaatras ako.
Biglang pumasok sa balintataw ko si Lex. His smiling face made me smile too. Agad tumili si Doray kaya halos mabingi ako.
"Putcha! Mayroon nga? Shocks! Kwento mo na 'yan Dzai! Pinagpala ka talaga sa babaeng lahat!" puring puri ako ng loka.
Nakagat ko ang ibabang labi. Lumilipad na ang isip ko sa gabing iyon. Kung kailan kami una at huling nagkita. That was a night to remember. Wala naman sigurong masama kung ikukwento ko sa best friend ko diba? Wala naman na kasing chance na magkita ulit kami.
"I met a guy, Doray." paninimula ko. Parang bulateng inasinan ang kaibigan ko, nangingisay ito sa kilig. Natatawa na lamang ako sa reaksyon niya.
"Waaaah! Sana all mahaba ang hair!" umakto pa itong sinusuklayan ang buhok ko.
"Pero isang gabi lang iyon! Hindi na muli pang nagtagpo ang aming mga landas. Ganito kasi 'yon. Isang gabi, bored na bored na ako kaya naisipan kong lumabas ng gabi. May convenience store sa labas ng subdivision, kaya doon ako nagpunta." and then I told her everything that happened that night.
Malaki ang ngiti ko ng ikwento ko iyon. Maging ang kaibigan ko tuloy ay nahawa sa kasiyahan ko. Panay ang tili nito. Mabuti at wala kaming customers kaya walang naaabala.
"Iyon lang iyon? Hindi man lang umabot sa isang linggong pag-ibig? Isang gabi lang? World record!" hindi siya makapaniwala.
"Gagi! Nasaan ang pag-ibig dun? At oo, isang gabi lang iyon. We never saw each other again. Kahit nakailang balik ako sa lugar ay hindi ko na sya nakita pa. Ni hindi ko nalaman ang buong pangalan niya at kung saan siya nakatira. Ganunpaman, masaya ang naging sandali namin. At kung hindi man kami magkitang muli which is totoo naman, hangad kong maging masaya sya sa buhay niya." totoo iyong sinasabi ko. Oo at may parte sa akin na hangad na makita siya, pero hindi na ako umaasa. Nasa probinsya na ako kaya malabo na talaga.
"Pero ano ang hitsura niya? Wala ka man lang picture?"
Umiling ako sa kaniya. "Walang litrato, pero sobrang gwapo niya! Para siyang cowboy, yung mga modelo na nangangabayo? Ganoon! May kahabaan ang buhok, naka cap siya na may toro sa gitna. Artistahin ang mukha maging ang balat. Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang accent niya. Yung punto ng pananalita. Medyo nakakatawa kasi southern accent ang gamit niya, hindi kasi ito tipikal sa lugar natin. Pero kaysarap niyang pakinggan. Ang gwapo niyang panuorin kapag tumatawa. Ang haba pa ng daliri, ang laki ng kamay. At ang bango! Mukha siyang expensive. Sayang lang at hindi ko na nalaman ang buo niyang pangalan. Nai-add sana sa sss!"
Kapwa kami humagikgik ni Doray.
"What if sya na pala ang forever mo? Sya na pala ang lalaki for you?"
Tumawa ako. "Malabo yata 'yan! Malabong magkita pa ulit kami. Pero kung destined kami for each other, why not?"
Lumipas pa ang dalawang linggo matapos naming makabalik mula sa isang linggong bakasyon sa Maynila. Normal pa din ang pamumuhay namin, si Inay ay nagtatrabaho sa Laundry Store. Si Itay ay nangangalaga ng taniman ng mais. At ako naman ay nagtatrabaho pa din sa boss ko.
Hindi na namin nabuksan ang topic patungkol sa mana ni Inay, ayoko din na pilitin siya. Baka masagad pa sya.
It's just a normal day sa amin ni Doray. Maaga kaming nag lunch dahil trip lang namin. Nanunuod din kami ng noontime show habang wala pang customers. Napahinto kami ng makitang may pumaradang kotse sa harapan ng tindahan. Nagkatinginan kami ni Doray at saka kami umayos ng pagkakaupo.
Nanlaki ang aming mga mata ng bumaba sa kotse ang tatlong kalalakihan mula sa driver's seat, at saka sa backseat. Muli kaming nagkatinginan. Kitang-kita ko ang ningning sa kaniyang mga mata. Kilalang kilala ko ang kaibigan ko, ligayang ligaya na naman ang bruha!
Impit ang tili niya ng magsipasukan sa tindahan ang tatlong mga lalaki. Para silang mga modelo, matatangkad at mga gwapo! Ang mga buhok ay kulay blonde, ang gaganda ng mga suot! Kapwa sila nakasuot ng cap na nakabaligtad.
"Finally! Makakainom din ng malamig!" anang lalaking naka puti na shirt.
"Damn, it's hot in here. Bakit ba dito niya pa piniling magpunta?" yung isang lalaki na expensive ang accent ang nagsalita. Naupo ito sa isang upuan pagkatapos ay tumingala sa menu namin.
"Hi,"
Kumurap-kurap ako sa lalaking nasa harapan ko. Sya iyong nasa driver's seat. Ngumiti siya kaya halos mabura ang mata niya.
"Ang gwapooo..." bulong ni Doray, tulala din sa taong nasa harapan.
"U-uhm, h-hello po! Welcome to Fun Tea House!" kandautal ako sa pagsasalita, ang lalaki naman ay napangisi.
"Fun Tea, huh? Nice name."
Lumapit na din yung dalawa niyang kasama. Nakangisi sila sa amin. Pakiramdam ko'y namumula na ang buong katawan ko. Ang hirap yatang huminga. Nararamdaman ko pa ang mahinang kurot ni Doray sa kamay ko. s**t lang!
Tumunganga ang nakaputi sa amin. Nakapatong ang baba sa palad nito habang nakapatong ang siko sa counter.
Naglabas ng phone ang lalaking driver, itinaas niya iyon at sandali lang ay lumikha ito ng tunog. He took a picture! Suminghap ako. Bakit kinuhana niya ako?
Ipinakita niya ang litrato sa dalawang kasama niya, nagulat naman ang mga ito. May tinignan pa sila sa phone na hawak nito bago bigla silang nagsaya na akala mo nanalo sa lotto.
"f**k! Finally!"
"Damn it girl, you're hard to find!"
"Call him now, we found his kryptonite." yung may accent na maangas ang huling nagsalita. Malaki ang ngisi niya.
Hindi ko sila maintindihan. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sa kalituhan ay kunot ang noo kong nilingon si Doray. Subalit nalunod na yata ang kaibigan ko, tulala na ito sa mga gwapo pero wirdong lalaki sa harapan namin.
"Doray!" mahina ko siyang tinusok sa tagiliran.
"Ay ang gwapo!" nagulat niyang sigaw. Napangisi ang lalaking may mayaman na accent. Yung nakaputi ay lumabas ng shop para puntahan ang kotse nila.
"Uhm, ano pong order nyo Sir?" pag-iiba ko ng usapan.
"Give us your best sellers, make them the tallest. Four pieces please." anang driver at saka inilapag ang card niya. Sinundan ko iyon ng tingin pagkatapos ay tiningala ulit siya.
"Cash lang po ang tinatanggap namin," nahihiyang sagot ko. Ngumuso ito at saka tinignan ang katabi niya. Nagkibit balikat naman ito.
"I don't have cash either." ang tanging sagot nito.
Sakto namang muling may pumasok. Nauna si naka white na damit but the moment the other person came in, I gasped loudly and napakapit ako sa braso ni Doray.
Nagtama agad ang aming mga mata. I can't read his eyes, but he'll surely read mine! Pinanlamigan ako ng katawan. Para akong natuod sa aking kinatatayuan. But when he finally smiles, parang gumuho ang mundo ko. He remembers me!
I pouted. Pumikit ako at umiwas ng tingin. Napadpad ito kay Doray na nakanganga na sa harapan niya. Nakakapit pa din ako sa braso niya pero mas mukhang kailangan niyang kumapit.
Siniko ng driver si Lex. Yes, it was Lex! The texan guy! Yung may weird na accent na nakilala ko sa isang convenience store sa Manila! Totoo ba itong nakikita ko? Ngumisi siya sa akin. Inalis saglit ang cap na suot at hinagod ng kamay ang may kahabaang buhok. Para akong mahihimatay.
"Shuta, nananaginip ba tayo?" ani Doray, dinig ito ng apat na lalaki sa harapan.
"Totoo yata? Kurutin mo nga ako?" wala sa sarili kong sambit.
"Teka, hindi ko naramdaman. Panaginip yata?" nakita ko kasing kinurot niya ang pisngi ko subalit hindi ko naramdaman.
"Teka, ako naman ang kurutin mo." si Doray naman na tulala pa din ang gustong makurot kaya ginawa ko din ito sa braso niya. Ngumiwi siya.
"Hindi ko maramdaman. Baka panaginip talaga? Hawakan mo nga yung abs nung naka itim?" utos niya.
At ako namang si tanga, sinunod ang utos niya. Dumukwang ako at waka sa sariling hinaplos ang tiyan ni Lex. Matigas ang tiyan niya. May nararamdaman akong bukol-bukol kaya sinundot sundot ko iyon. Walo yata? Di ko sure. Kinurot kurot ko pa iyon. Nagvibrate ang katawan nito kaya nagising ako sa katotohanan.
Para akong tanga na nakayuko at tinitignan ang tiyan niyang matigas, kahit naka damit ito ay ramdam ko ang init ng katawan niya dahil nakalapat ang palad ko doon. Nanlaki ang mga mata ko. Tila napapasong inalis ko ito sa kaniya at umatras ako.
Naghalakhakan ang apat na lalaki. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko sa hiya. Nag-iinit ang katawan ko kaya agad akong tumalikod.
"Shuta, totoo sila Dzai!" tili ni Doray kaya napatakip ako sa mukha ko.
Rinig na rinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Tila nagwawala ito at gustong lumabas. Nang muli akong bumaling sa apat na lalaki ay nakalma ko na ang sarili ko.
Hindi dapat ako kabahan, si Lex lang 'yan! Tama, si Lex lang 'yan at mga tropa niya. Ulit, ulit! Bumuga ako ng hangin.
"Magandang araw mga Sir! Welcome to Fun Tea House! I am Sandra and this is my best friend, Doray. Ano nga po ulit ang order nyo?" at saka ko ibinigay ang pinaka matamis kong ngiti sa kanila.
RHEASEA💜