Kanina pa ako biling ng biling sa aking kinauupuan. Hindi ako mapakali, para akong kinakabahan na nanlalamig na natatae na naiihi na ewan. Ah basta, ang hirap iexplain. Ito namang lalaki sa harapan ko, nakangiti lang habang umiinom ng inorder niyang milktea sa amin. It's like.. he's enjoying whatever he's seeing. And that's me! Dahil nasa harapan ko sya at nakaupo kami dito sa isang table while nasa kabilang side ang friends niya na busy sa kanya-kanya nilang phone. "Uhm... hi?" pag-uuna ko ng conversation dahil mukhang kuntento na itong lalaki sa tinginan namin. "Howdy," ayan na naman yung howdy niya. Kung di niya lang ipinaliwanag noon sa akin ang ibig sabihin nito, baka mangmang pa din ako at iisipin kung sino si howdy. Ang tanga lang eh, diba? "Ano... bakit ka nga pala napadpad dit

