Mabait ang aking Tita Sally. Tama nga si Inay, sobrang bait niya. Napaka gaan sa loob. Ang masayahin niya pa. Ipinakilala niya ako kay Tito Alex, through video call. Nahirapan lang kami dahil sa signal, hindi gaanong abot sa bahay namin. Tinawagan din niya ang anak niya subalit hindi ito sumasagot kaya sa susunod na lang daw at baka busy.
Binilhan niya din kami ng lechong manok na paborito ko. Pinabili niya ang bodyguards niya, at nung lunch time ay parang fiesta sa bahay namin. Maraming putahe ng ulam, sandamakmak na bigas, at mga groceries pa. Ayaw ni Inay tanggapin subalit mapilit ang Tita.
Tuwang tuwa naman ako. Ang sarap ng kain ko. Sinamahan pa ng nilagang gulay ni Itay at ang pangmalakasan niyang buro. Masagana akong kumain habang nagkakamay. Ito na yata ang pinaka masayang day off ko. Napakasarap ng pagkain.
Umalis si Itay ng hapon dahil kailangan niyang bisitahin ang Maisan. Inilibot naman namin si Tita Sally sa palibot lang. Inaya niya din kami sa bayan upang maglibot. Nilibre niya kami ng milk tea at miryenda. Sarado ngayon ang pinagtatrabahuhan ko kaya sa iba kami bumili.
Sa mall niya sana gusto kaya lang ay walang mall dito na malapit. Mga two to three hours away pa mayroon. Tirik din ang araw kaya namumula na ang balat ni Tita.
"Dito ako nanunuluyan pansamantala." itinuro niya ang motel sa malapit. Maayos naman iyon, subalit cheap kumbaga. Hindi nababagay sa tulad niya.
"Hanggang kailan ka ba dito?" tanong ni Inay. Pabiro siyang inirapan ni Tita Sally.
"Hanggat hindi kayo sumasama sa akin. Gusto ko kayong dalhin sa Manila. Ililibot ko kayo. I'll give you what you deserve. Ang bahagi ng mana mo. You'll have it. Basta sumama lang kayo and meet our dying mother."
Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse. Nasa left side ako, sa gitna ay si Inay at sa kanan ay si Tita. Ang dalawang tauhan ni Tita ay nasa harapan naman.
"Hay nako, huwag nating pag-usapan iyan, Sally. Sinabi ko na sa'yo, wala akong pakealam sa mana na iyan. Sainyo na." inis na turan ni Inay.
Nakakapanibago talaga. Hindi ko alam na may ganito siyang side. Ang naiinis. Palagi kasi siyang neutral lang. Mapagmahal. Pero hindi nagagalit.
"Anyway, bumili tayo ng pagkain for dinner. At saka ng kutson, ayokong sa banig kayo natutulog. Baka magkasakit kayo sa baga."
"Twenty seven years na kaming magkasama ni Alberto pero hindi kami nagkasakit sa baga, Sally. Hindi na kailangan ng kutson." malamig na turan ni Inay. Umirap si Tita Sally at tinignan ako.
"Kung ayaw mo, ang pamangkin ko na lang ang bibilhan ko. She needs it. Paano mo nakakayang makitang nahihirapan sa pagtulog ang anak mo? Bakit sa papag lang sya? Dapat ay may kutson iyon para malambot. Para hindi magkasakit ang pamangkin ko. Pati ba naman anak mo pagdadamutan mo pa?"
Pasimple akong ngumiti. Si Tita, ginagamitan ng salita si Inay. Nakita kong nilingon ako ni Inay. Pamaya-maya ay bumuntong hininga sya. Tila suko na.
"Bahala ka," iyon lang ang sinabi niya. Pero sabay pa kaming napa 'yes' ni Tita. Nag high five kami pagkatapos at tumawa. Napailing na lang ng ulo si Inay.
Ang daming pinamili ni Tita. Naiinis na nga si Inay kaso wala siyang magawa. Dalawang malaking kutson pa din ang binili nito, mga unan, kumot at kobre kama. Mga kurtina at gamit sa bahay. Kinausap din niya ang NEECO para pakabitan daw kami ng kuryente. Kunsuming kunsimi si Inay. Ako naman ay naiiyak sa tuwa. Todo pasalamat ako sa Tita ko.
"Cellphone? Sobra na iyan, tama na Sally. Hindi ko na iyan matatanggap." malamig na turan ng aking Ina.
Inabot naman ni Tita Sally ang isang phone, kulay pink ang likod nito. "Here's your new phone, Sandra. Ito muna sa ngayon, wala kasing iPhone dito sa lugar nyo, kaya ito na lang muna. I'll give you lots of load na lang."
Kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa phone na nasa kamay ko. Touch screen ito at maganda. Ang linaw ng camera! Redmi Note 12. Wow.
Walang nagawa si Inay ng bilhan din sya ni Tita. Panay ang iling niya. Sa huli ay sumakay na lang sya ng kotse para tumigil na ang Tita ko dahil balak pa yata kaming bilhan ng mga appliances. Humindi na kami dahil sobra na.
Pag-uwi sa bahay ay inayos agad namin ang kwarto ko. Maliit lang ito at may papag lang na para sa dalawang tao. Para daw hindi ako mahulog. Gawa ito ni Itay for me noon pa. Gawa sa kawayan. Siya mismo ang bumuo nito.
"Wow! Ang ganda na!" tumatalon talon ako sa tuwa. Napuno ng light colors ang kwarto ko. Ang kama ko ay may beddings na white and light pink. Ang mga kurtina ay puti para maaliwalas. May bentilador din kahit walang kuryente bukas pa daw kasi ito mapupuntahan. Nakakatuwa lang, sobra.
"Tita, thank you so much po!" niyakap ko ang Tita ko at binigyan ng halik sa pisngi. She's smiling kanina pa.
Nagulat ang Itay ng makita ang pagbabago sa bahay. Kamot ulo na lamang ito at maliit na ngumiti sa amin. He is the best father ever. We are his Queen and Princess. As in, para siyang alila sa aming mag-ina. Ganoon niya kami kamahal. Hindi din siya tumututol sa amin. Palaging naka 'yes' ang ama ko. Kahit hindi niya kaya, he'll do everything para masunod ang gusto namin. Kaya gets ko si Inay kung bakit mas pinili niya si Itay kaysa sa mayamang lalaki.
Hindi mapapalitan ng pera ang pagmamahal ni Itay. And I hope that someday, I'll have it too. Magkakaroon din ako ng lalaking mamahalin ako ng todo. Unconditionally. Na ituturing din akong mundo niya. At pasasayahin ako. Mamahalin ako gaya ng pagmamahal ni Itay.
Nagpaalam si Tita ng gumabi. Babalik daw ito bukas. Nagpasalamat ako dito ng todo. At pag sapit ng gabi, kinalikot ko ang cellphone ko habang nakahiga sa kama. Sobrang excited ako. Hindi ako makapag hintay na ipagmayabang ito kay Doray.
Napaka rami ko ng selfie dito. Mula pa kanina ay panay picture na kami nila Tita. May family pictures na nga din kami dito. Sobrang saya ko talaga at natagpuan kami ni Tita Sally. She's our life saver. Pero ayokong umasa lang sa kaniya. Kaya balak kong pilitin ang Inay na sumama sa kaniya kahit saglit. Upang makilala ang pamilya niya. Upang makita sya ng Lola. Kahit napaka sama nito, kung mamamatay naman na eh pwedi ng kitain iyon. Para din makuha ni Inay ang mana niya. Para yumaman na kami.
Maaga akong gumayak dahil may pasok na ulit ako. Tapos na ang day off. Back to normal na ulit. Wala pa si Tita Sally, nagsabi naman siya na hindi agad makakapunta since may mga work naman kami. As usual, nauna sa akin si Inay since nine AM pa ang pasok ko.
Nandoon na si Doray sa labas, thirty minutes pa bago ang pagbubukas, wala pa si Sir Jomarie. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang malaking ngiti sa aning labi at ang hawak kong phone.
"Babaita! May selpon ka na?" hinila niya ang kamay ko para makita ang kamay ko. Tuwang-tuwa sya ng ipakita ko ito.
"Waaah! Sana all! Ang ganda nito! OMG, mag kuha tayo ng litrato!" yumapos na agad sya sa akin kaya natawa ako.
"Sige, mag selfie tayo mamaya sa loob."
Dumating din si Sir kaya nakapag bukas na kami. Ginawa muna namin ang trabaho bago kami nag selfie habang walang customers.
"Paano ka pala nagkaroon nito? Mayaman ka na ba?"
Tinawanan ko sya. "Sira, hindi ako mayaman. Yung pamilya ni Inay ang mayaman." Doray gasped upon hearing what I've said. Hindi makapaniwala. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari.
"Nananaginip ba ako? O ikaw?"
Inirapan ko sya. Binubot ko ulit ang phone sa bulsa. "Tignan mo para maniwala ka." ipinakita ko dito ang litrato namin ni Tita kaya nanlalaki ang mga mata niya. Pinalo niya ako sa braso kaya hinilot ko ito dahil sa sakit.
"Punyeta, totoo nga! Tita mo nga yung si Madam?"
Buong maghapon ay busy kami ni Doray, sa pagtitinda at pagkukwentuhan. Nanuod din kami sa Youtube gamit ang phone ko. May mga free movies doon na mga sinauna pa kaya iyon ang pinanuod namin. Tinuruan niya din ako gamitin ang phone.
Nagulat pa kami ng dumating si Tita Sally sa pinagtatrabahuhan ko. Laglag ang panga namin ng makita itong may bitbit na sandamakmak na paperbags at plastics.
"Tita!" nakipag beso ito sa akin bilang pagbati.
"Hija, ipinag shopping kita! Tignan mo nga kung kasya sayo."
Nagkatinginan kami ni Doray dahil sa pagkabigla. Ngumiti naman sa kaniya ang Tita Sally ko.
"Ah, Tita, si Doray nga po pala, bestfriend ko." pinakilala ko ang kaibigan kong natuod na sa gilid. Himala, naging mahiyain ito.
"Hello po, Madam!"
"Hello, Doray. It's nice to meet you again. How are you?"
"Uhm.. okay lang po Madam." nahiya bigla ang berat.
Pinilit ako ni Tita Sally na buksan at tignan ang mga pinamili niya. Nagulat ako dahil mukhang galing pa ito sa malls. May mga tag price pa, nalula ako sa presyo! Puro lilibuhin!
"Tita, ang mamahal naman nito! Pwedi naman na ako sa tiyangge lang eh. Ang mahal nito." pero in fairness, ang ganda ng mga damit. Mamahalin at ang ganda ng taste ng tiyahin ko.
"Ano ka ba, bagay sa iyo ito. Wag mo ng tignan ang presyo. Mamaya pag-uwi ay sukatin mo ah? Gusto kong makita kung kasya sayo. Mayroon pa ako sa kotse mga sapatos at sandals. Size seven ang paa mo diba?" wala sa sariling tumango na lamang ako.
Mabuti na lamang at walang gaanong customers nung pumunta si Tita. Tumambay pa sya at nag-order din. Pati kami ay pinainom niya. Umalis din naman sya para pumunt naman daw kay Inay. Pipilitin pa daw niya itong mag bakasyon kahit isang linggo lamang sa Maynila. Hindi sya nawawalan ng pag-asa dahil nakikita niya na lumalambot ang Inay.
"Dzai, nakakainggit ka naman. Parang kahapon lang pinag uusapan pa natin kung kailan tayo yayaman, ngayon, dininig agad ni Lord ang panalangin mo. Sana all malakas ang kapit kay Lord."
Naghuhugas na kami ni Doray ng mga pinaggamitan dito sa likurang bahagi. Hanggang ngayon ay hindi kami maka get over sa nangyayari sa buhay namin ngayon.
"Tapos dadalhin pa kayo sa Maynila? Huhuhu, baka naman makalimutan mo na ako niyan?" umarte pa itong naiiyak kaya kinurot ko sya sa baywang.
"Gagi, bakasyon lang naman ng isang linggo. Pero alam mo ba, inaalok ako ni Tita na sumama sa kaniya. Patitirahin niya daw ako sa bahay nila. Pag-aaralin at ipapasok sa kumpanya para maganda ang trabaho ko. Gustong gusto ko iyon. Subalit naiisip ko sila Inay. Ayoko naman na iwanan ang magulang ko dito na naghihirap tapos ako eh nagpapasarap? I'm thorn between coming with her for the betterment of my life and living my parents here in this secluded area."
Lumamlam ang mga mata ni Doray ng makita ang sinseridad sa akin. "Alam mo, alam kong ayaw mong iwanan ang pamilya mo. Pero kung gusto mong tuluyang umahon sa buhay, you have to sacrifice. Gaya ng mga OFW, nagtitiis silang malayo sa pamilya nila para gumanda ang buhay ng mga naiwanan nila dito sa Pinas. Pero ang resulta? Guminhawa ang buhay. Kaya kung gusto mo talagang yumaman, pumunta ka ng Maynila. Hindi ka uunlad dito sa bundok ng Nueva Ecija."
Mangiyak-ngiyak ako. Nahihirapan akong magpasya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakikipag sapalaran sa malayong lugar. Takot akong lumayo sa magulang ko at tumayo sa sariling paa. Pero kung ito na ang opportunity na hinihintay ko, hindi ko na ito dapat pang pakawalan.
RHEASEA💜