Chapter 5

1993 Words
Minsan naiisip ko, bakit kaya maraming Filipino ang pinipiling umalis sa bansang kinagisnan nila para makipag sapalaran sa ibang bansa? Pero habang tumatanda, at sa nararanasan naming kahirapan, unti-unti ay naiintindihan ko iyon. Lumaki ako sa isang mabundok na lugar. Sanay kami na simple ang pamumuhay. Pero hindi ito sapat. Kaya gustong-gusto ko talagang yumaman. At kung kinakailangang lumabas ng bansa para sa mas magandang opportunity, I would do it. And this time... the opportunity came. Through my Tita Sally. Kaya lang... "Lumubay ka, Sandra. Hindi ka sasama sa Tita mo para doon mag-aral at magtrabaho. Hindi bale ng mahirap, kaysa magkahiwalay tayo." iyon ang sagot ni Inay ng sabihin ko sa kaniya ang balak ko. Bumagsak ang balikat ko. Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asang yumaman. Naramdaman ko agad ang init sa sulok ng aking mga mata, at ilang sandali lamang ay nagbagsakan ang aking masaganang luha. Tumango na lamang ako at saka dahan-dahang tumalikod sa kaniya. I just wanted to be alone. Gusto kong sarilinin ang sakit na aking nadarama. Pumasok ako sa kwarto at saka ako nagkulong doon. I know... what I'm doing is being immature. Hindi nasunod ang gusto ko kaya nagkakaganito ako. Pasasaan ba at lilipas din ito. Pero gusto ko lang damdamin muna. Masyado kasing nakakadisappoint. Kaya sumubsob muna ako sa kama at doon ako umiyaw sa malambot na unan. Nakatulugan ko na lang din ang pag-iyak. Nagising lamang ako dahil sa haplos ni Inay. Nakatungo ito sa akin, mugto ang mga mata at marahang hinahaplos ang pisngi kong natuyuan na ng luha. "Inay..." bulong ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Kumain ka na muna, nalipasan ka na ng gutom." Tinitigan ko muna sya bago tumango. Nakakaramdam na nga din ako ng gutom. Kumukulo na ang sikmura ko. Tumayo na ako at sabay na kaming pumunta ng maliit na kusina. Pinaghainan ako ni Inay ng pagkain. Pasalamat ako dahil may kuryente na kami, kaya kahit hatinggabi na ay may ilaw na kami at hindi na maghihirap sa dilim. Si Itay ay nagkakape sa harapan ng TV, oo, nasunod din ang gusto ni Tita. Pagkauwi namin kanina ay may TV na sa bahay. Ayon, namiss yata ni Itay. Kanina pa sya nanunuod ng kung anu-ano. Hindi kami nag-usap ni Inay. Hinayaan niya lamang ano hanggang sa makatulog na ako. Kinabukasan ay dating gawi kami. Gumising ng maaga at pumasok sa trabaho. Ginisang ampalaya ang ipinabaon ni Itay sa amin, hinatid niya din ako hanggang sa ibaba. Pagdating ko naman sa trabaho ay malungkot ako at malamya. "Oh, bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa d'yan?" napansin ni Doray ang emosyon ko. Nakailang buntong hininga na din ako. Lumilipad pa ang isipan ko. Nanghihinayang kasi ako. Sayang ang opportunity. I sighed. "Ayaw kasi ako ni Inay payagang sumama kay Tita Sally. Hindi daw ako aalis dito. Wala ng chance makapunta sa Maynila para yumaman." sumandal ako sa inuupuan. Para akong nahahapo. "Aww .. sorry." lumapit si Doray at inalo ako. Halata kasing malungkot ako. "Intindihin mo na lang si Aling Sabel, baka ayaw niya lang talagang malayo ka sa kanila. Unica hija ka kasi, at saka, baka hindi lang sila handa na mamuhay na wala ka. Hayaan mo at baka pagdating ng panahon ay magbago pa ang isip nila." Inisip ko na lamang na baka hindi pa ito ang tamang panahon. Kakikilala pa lang namin ni Tita Sally, tama nga naman na hindi dapat ako kabod magtiwala at sumama sa kanya gayong hindi ko pa naman sya lubusang kilala. Malay ko ba na baka iba pala ang ugali niya sa bahay nila sa ugali niya dito sa aming lugar. Possible iyon. Tinanggap ko ng kalimutan ang pangarap ko pansamantala. Kalilimutan ko na ito dahil hindi naman matutupad. But my hope build up again when Tita Sally came with my mother, sa working place ko kinahapunan. My autie's all smiling, si Inay naman ay hindi ko mabasa ang mukha. Taka ko silang binati. "Inay? Tita? Nagawi po kayo?" nag mano ako kay Inay at beso naman kay Tita. "Hija, we came here with a very good news!" she happily said. I frowned. Good news! Mayroon pa ba nito ngayon? "Ano po ang good news?" Tinignan muna ni Tita si Inay. Tila excited pa ito, at ng tumango ang aking ina ay masaya niyang ibinalita ang tinatawag niyang 'good news' na talaga namang nag pabago ng mood ko. "Pumayag na ang mother mo na mag bakasyon kayo sa Manila! You'll be living with us for a week! And bukas na tayo aalis, kaya magpaalam ka na sa boss mo dahil mamimili na tayo ng mga gagamitin nyo!" That is the very good news that I've heard sa buong taon na ito. Indeed, it is a very very good news. Mangiyak-ngiyak pa ako ng tawagan ko ang boss ko. Nagpaalam akong mawawala ng isang linggo, and thankfully, he is kind enough para payagan ako without firing me. "I'll let you have a vacation for a week, but Sandra, if one week had passed and you're still now here, I'll find someone to replace you." that's what he said. Mabait naman kasi ang boss ko basta tapat ka sa trabaho mo. And I am tapat. Naging mabuti akong employee kaya rin siguro pinayagan niya ako. Nag out na kaagad ako sa trabaho ng mga oras na iyon. Tinupad ni Tita ang sinabi niya, ipinamili niya kami ng bagong mga gamit para sa one week staycation namin sa bahay nila. She also helped us packed our bags. Sa sobrang excited ko, hindi agad ako nakatulog. Kausap ko sa phone si Doray, keypad ang kanya pero pwedi namang mag call kami kaya heto nga at maging sya ay excited for me. "Balitaan mo ako kapag may kakaibang mangyari sayo dun ah?" aniya, Nakahiga na ako sa kama at nasa tainga ko ang phone. Tulala lamang ako sa pader na kahoy. "At saka, kumuha ka ng maraming larawan para pagbalik mo dito ay makita ko din ang ganda ng Maynila. Kapag naman may nakilala kang afam o kaya gwapong mayaman na nilalang at hindi mo bet, irekomenda mo ako ah? Ipakita mo ang litrato ko." humagikgik sya kaya pati ako ay nahawa sa kaberatan niya. "Sira, lalaki na naman? Hindi ba pweding pera muna?" biro ko naman sa kaniya. Mas lalo lang siyang tumawa. Alas sais ng umaga ay nandito na si Tita Sally sa bahay. Dala na niya ang mga gamit niya at nasa kotse na ito kasama ng mga gamit namin. Nakabihis na kaming lahat at handa ng bumyahe. Ang sabi niya ay nasa limang oras ang biyahe namin dahil nga manggagaling pa kami sa liblib na bundok. Panay ang kuha ko ng litrato habang nasa biyahe. This is the very first time na nakalabas ako ng probinsya namin. At kahit nasa express way pa lang kami, sobrang nabubusog na ang mga mata ko. "Anak, umidlip ka muna. Mahaba pa ang biyahe." inakbayan ako ni Itay at ihinilig sa balikat niya kaya yumakap ako patagilid sa kaniya at sinunod ang gusto niya. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang excited ako kaya naman nakaidlip ako habang daan. Nagising ako sa marahang paggising sa akin ni Itay. Nakangiti na ito ng mabungaran ko. "We're here, anak. Nasa Maynila na tayo. Tignan mo na ang paligid." Nakaramdam akong muli ng excitement. Nakikita ko na ang mga nagtataasang buildings. Traffic ang kalsada, puro busina ang maririnig. Subalit tila isa itong musika sa aking tainga. Kay sarap pakinggan. "Wow! Ang ganda!" itinuro ko ang dikit-dikit na mga buildings. Ang taas! "Condominium ang mga iyan." ani Inay. Tumango ako. At dahil nasa gitna ako, hindi ako makagilid kaya kumandong ako kay Itay. Sumiksik ako hanggang sa makapunta ako sa gilid, natatawang naiiling na lang sa akin ang pamilya ko. Kinuhanan ko ng litrato ang mga nadadaanan namin. Ipapadala ko ito kay Doray. Gumawa kasi kami ng f*******: account kagabi, mabubuksan niya iyon kapag nag online ulit sya sa computer shop. Ilang saglit pa ay lumiko na kami sa subdivision daw. Private daw ito at puros mayayaman lamang ang mga nakatira. Mahaba pa ang pinasukan naming daan bago nakarating sa pinaka dulong bahagi, kung nasaan ang malaking bahay. "Tatlong palapag ang aming bahay. May sariling bahay sa likurang bahagi ang aming trabahador kaya nakahiwalay sila sa atin. Subalit nandito sila sa loob kapag oras ng trabaho. Ang asawa ko ay nasa loob na subalit wala ang anak ko. May errands sya pero baka mamaya ay magkita din kayo." Pag-eexplain ni Tita Sally habang bumababa kami ng kotse niya. Iginala ko ang paningin. Sa left side ay ang malawak na paradahan ng mga sasakyan, nasa lima ang nakalagay doon subalit marami pang spaces. Sa kanang bahagi naman ay ang garden. Mahilig sa bulaklak si Tita, iyon ang sabi niya kaya naman may garden talaga sya dito. Sya daw mismo ang nag-aalaga nito. Minementain ang kagandahan. Sayang at wala ang pinsan ko, gusto ko sana siyang makita para naman maging close kami. Sya lang ang nag-iisa kong pinsan, para na din kaming magkapatid nito kasi magkapatid ang mga nanay namin, diba? Kahit lalaki sya at seven years ang tanda sa akin, sana ay magkasundo kami. "Wow! Ang ganda po ng bahay nyo, Tita!" malakas ang boses ko ng makapasok kami. Sobrang ganda ng bahay nila, halata ding mamahalin ang mga gamit dito. "Sandra, mag hunos dili ka." kalmadong paalala ni Inay dahil naupo agad ako sa malambot na sofa at tumalbog talbog doon. Grabe, sobrang lambot! "Manang, paki serve na ang miryenda at pakitawag ang asawa ko. Salamat." itinusan ni Tita Sally ang matandang kasambahay nila, agad naman itong sumunod sa kaniya. Maya-maya lamang ay dumating na ang miryenda, inilapag ito sa lamesita. Sunod na dumating ay ang isang lalaking matangkad. As in matangkad. Malaki ang pangangatawan kahit na may edad na ito. "Honey! We're here!" malakas na sigaw ni Tita dito. Agad ngumiti ang lalaki. Nawala ang pagiging masungit sa hitsura nito, puno ng pagmamahal niyang niyakap si Tita at hinalikan. Napakagat labi ako para pigilan ang mapangiti. Ang sweet nilang dalawang mag-asawa. Nakakatuwa. "I missed you, Honey." malambing na ani Tito, tumawa naman si Tita na tila kinikilig. "I missed you too, Honey. But let me introduce my only sister and her family. Darling, this is Sabelita, my sister. And her husband Alberto and their daughter Sandra." itinuro kami ni Tita sa asawa niya. Pagkatapos ay kami naman ang binalingan. "This is my husband, Alex." Lumapit kami kay Tito. Nag kamayan sila ni Itay while bumeso sya kay Inay. Ako naman ay nag bless sa kaniya. Wow, wala na ang intimidating aura niya "Nice to meet you all. I'm happy to see you guys here. Mabuti at napilit kayo ng asawa ko, she's been longing to be with her sister for years already." Ngumiti naman si Inay. Nag usap na silang apat habang nagmimiryenda. Mataman akong nakikinig sa kanila. "Hija, you can roam around our house at baka naiinip ka na." inutusan ni Tita si Manang Esther para samahan akong libutin ang buong bahay lalo na at malaki ito. "Bakit po walang picture ng pinsan ko?" Nagtataka ako dahil sa buong pader ay nandoon ang mga litrato ng mag-asawa. Subalit wala doon ang kahit isang litrato ng anak nila. Bakit naman? "Ah, ayaw kasi ni Sir Sandro na naka display ang pictures niya kaya nakatago ito sa kwarto niya sa second floor." pilit ang ngiti ni Manang kaya tumango na lang ako. Inilibot niya ako sa buong bahay. Maging ang likurang bahagi ay dinala niya ako, nakita ko ang bahay na tinutuluyan niya pero di na kami pumasok doon. "Kapag may kailangan kayo Ma'am Sandra, paki pindot lamang ang pulang button para may lumapit agad sa inyong katulong." Tumango ako sa kaniya. Nagpasalamat dahil sa oras na ibinigay niya for me. Bumalik na ako sa sala kung nasaan nag-uusap sila Inay. "Oh hija, tamang tama. Pupunta tayo ng mall, handa ka na ba?" RHEASEA💜
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD