CHAPTER FOUR

1705 Words
I don’t know how many minutes I am standing in front of Queen’s door. Nakaalis na at lahat si King ay nandito pa rin ako sa harapan ng pintuan ng kwarto nito. “Sir Damien, papasok po ba kayo sa kwarto ni Ma’am Queen?” Agad akong napalingon sa katulong na nagsalita sa tabi ko. Umiling ako para sa aking kasagutan. I decided not to bother Queen inside her room. On the second thought, I don’t know what to say anymore. What shall I say to Queen? She heard it all from Dance. Alcohols can really mess with your sanity most of the time. “Ay ganun po ba, Sir?! Ibibigay ko po sana ang susi ng kwarto niya. Ni-lock niya ka po kasi kanina pagkapasok. Tapos sabi ni Sir King, ibigay ko sa inyo ang spare key para naman makapag-usap kayo ng maayos. So, eto na po yung susi hiniram ko kay Nanay Lyn. Nga pala Sir Damien, tinantanong ng lola mo kung ano na naman daw ang pinag-aawayan niyo ni senyorita.” Anito habang nakangiting itinataas ang kumpol ng susi sa aking harapan. “No, I won’t be using that key. Thank you, manang.” I said. Papalipasin ko nalang siguro ang sama ng loob ni Queen sa akin. “Sure ka, Sir? Hindi mo aaluin si Ma’am Queen? Hala ka, pulang-pula na pa naman ang mukha nito at mukhang naiiyak na kanina. May LQ kayo, Sir?” This maid is so nosy.   “Of course not, just a small misunderstanding. And Manang, Queen is just a little sister to me. We are not lovers or anything you think of.” I told the nosy maid. “Ayy, si Sir deny pa more!” “There’s nothing to deny, Manang. I will go now! Just make sure that Queen will eat her meal.” I dismissed her teasing. Sanay na ako sa panunukso nila sa amin ni Queen, even my own grandmother teases us. The reason I am also thinking why Queen is so fond of me. “Sure, Sir para sa little sister mo… na mahal na mahal mo!” I just chuckled while hearing what the maid said. Dumerecho ako sa likurang bahagi ng mansion ng mga Ramos --- sa bahay ni Nanay Lyn. “Ouch! Nanay naman! What have I done to you?” Akmang yayakap palang ako rito ay pinalo na niya ako sa ulo ng hawak niyang sandok. “You made that little girl cried again. Naku, Damien pag si Queen ay nakahanap ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Ikaw ang mawawalan. Bakit ba hindi nalang siya ang gawin mong nobya at hindi ang kung sino-sinong babae lang?!” “That would be great then!” I said after kissing my grandma on her cheeks. “Great, great ka ngayon tapos ano? Kapag nangyari ang sinasabi ko, huwag mo akong maiyak-iyakan diyan.” “And that will never happen, Nanay Lyn. Of course, I love her. She’s a sister I never had -- sila ni King.” Yes, it’s true. They are the closest persons I have ever known in my life. “Kung love mo siya, treat her right, apo. You’ll regret everything once she’s gone.” “That will never happen, Nay. And believe me, there’s no place like home.” Natatawa kong sabi kay Nanay Lyn.   “Hay naku, huwag mo akong idaan sa kanyang salitaan mo Damien. Hala, sige umupo ka na riyan at kumain.” “I’m full, Nay. I’ll go now.” “Magtigil ka, Damien. Kumain ka!” Kumuha ito ng plato at inilagay iyon sa mesa. Alam ko na naman kung ano ang mangyayari kapag hindi ko siya pinagbigyan sa kagustuhan nito. Wala akong nagawa kundi umupo sa karatig na upuan. “So, kumusta na ang pag-aaral mo?” Anito habang naglalagay ng kanin at ulam sa aking plato. I miss those times when we are still staying together in this house. “Ahmm, okay lang. I will not graduate this year. But I promise you, I will graduate no matter what happens.” Tumingin ako rito. “Alam ko.” Bahagya itong napatigil sa pagsasandok ng pagkain. She is looking at me intently. “I saw your class cards and almost every subject is failing.  Ano pa bang aasahan doon? Bulakbol kang bata! Wala ka bang pangarap sa buhay?” “Nope.” I said to Nanay. “I am just enjoying my life while I am still young. Kapag tumanda na ako, it’ll be work and work.” Maloko kong sabi rito na ikinakunot ng nuo nito. “At sana lang kapag nangyari iyon ay buhay pa ako.” Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit rito. “Of course, you are. Aalagaan ka pa ng magiging mga apo mo sakin.” “Mga apo na may iba’t-ibang nanay?” Naiinis na tugon nito sabay kurot sa aking tagiliran. Hinuli ko iyon at iginaya payakap sa akin. “Ayaw mo nun, Nay. Iba-ibang lahi ang magiging apo mo.” Sumimangot ito. “Okay lang magkaroon ng maraming apo kung si Queen ang magiging ina ng mga ito.” “I am just kidding okay. Chill, Nanay Lyn! Come on, let’s eat.” “Nawalan na ako ng gana. Umalis ka na sa pamamahay ko at dadalhan ko pa si Queen ng makakain. Tumawag ang isang katulong at ayaw daw silang papasukin sa kwarto. Baka magkasakit pa ang batang iyon dahil sa kagagawan mo.” Nagtatalak ito habang naghahanap sa hanging cabinet ng microwavable tupperware. “Kung di ka ba naman nuknukan ng sira-ulo at bakit kailangan mo pang saktan ang damdamin ng pobreng dalaga. Alam mong may pagtingin sayo yung tao.” “Nay, she’s just infatuated with me. Iba yun sa love. And she’s too young for that kind of bullshits.” I knew it. She should reach her dreams and goals in life first.  “Too young. Bakit yun anak ni Maritess sa kabilang kanto, ayun buntis kasi true love daw kahit desiotso palang. At kung hindi ko pa alam na binabakuran mo si Queen para walang manligaw. Nagsumbong si Gener sa akin, tinakot mo daw.” Litanya nito habang nilalagay sa isang lagayan ang mga pagkain. Napahalakhak ako sa sinabi ni Nanay Lyn. “It was King who did that to Gener, sinamahan ko lang. Ginaya mo naman yun anak ni Aling Maritess, Queen deserves a brighter future because she has dreams.” “Kow, magising na sana ang munting reyna sa pagtatangi sa iyo. Mas mainam siguro kung may makilala siyang ibang lalaki na tatrato sa kanya ng taliwas sa ginagawa niyo ni King sa kanya. O siya, umalis kana rito sa pamamahay ko at alam kong kating-kati ka ng lumayas kanina pa.” “I’m sorry, Nay. Maybe, I can bring that food to Queen as a peace offering.” Kinuha ko ang lagayan ng pagkain sa kamay nito. “Kung napipilitan ka lamang ay huwag na. Kaya ko na itong gawin kahit na uugod-ugod na ang matandang ito.” “Ako na po. At promise, makikipag-ayos ako kay Queen. We just need to talk.” Tumango ito sa akin. “Kung mapilit ka ay sige…”   I was about to knock on Queen’s room when the maid earlier showed up. “Ay, Sir Damien akala ko po hindi niyo aamuin si Ma’am Queen? Taray! May pa-foods si Sir. Sabagay hindi pa kasi kumakain si senyorita.” Nakatingin ito sa pagkain na tangan ko. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito. “Can you open the door for me?” I asked the maid. “Sure, Sir. Wait lang po.” Kinuha niya ang bungkos ng susi sa bulsa ng suot nitong uniform at binuksan ang pinto ng kwarto ni Queen. She is sitting on the bed while reading a book. “I said I don’t want to be disturbed, manang.” She looks grumpy while looking at me. Sumenyas ako sa katulong na lumabas na. Mabilis naman itong sumunod matapos akong ngitian ng makahulugan at kindatan. Bahagya akong napatawa. “You skip your meal.” I said putting the tray of food on the bedside table. And then I sat beside her. Revulsion is evident on her face while looking at me. “I don’t want to eat. What are you doing here in my room?” Pabagsak na ibinaba nito ang librong binabasa sa tabi nito. Pagkatapos ay masama ang tingin ang ipinukol nito sa akin. She really hates me right now, I can say. “You should eat first before we talk.” “I don’t want to eat. And I won’t talk to you. We have nothing to talk about.” Tumalikod ito sa akin at nagtalukbong ng kumot. Her gesture is like a child, very stubborn. “Nanay Lyn wanted you to eat. She prepared the food for you.” Bigla itong bumangon sa pagkakahiga at tumingin sa akin. Ang bagay na ito ang nagustuhan ko kina King and Queen has a high regard when it comes to Nanay Lyn. “You go out and I’ll eat that food. I don’t want to see you right now.” Nakangusong sabi nito sa akin. Tumayo ako para sundin ang kagustuhan nito. “Okay, if that’s what you want. Eat well, your majesty.” Ngumiti ako rito bago tuluyang lumabas ng kwarto nito. But before I can hold the knob of the door she wailed like a child. “You didn’t even bother to say sorry to me!” She shouted while throwing a pillow to me. “You hurt my feelings again! How dare you?” She cried. I looked at her. “I am sorry Queen if I am hurting your feelings right now. It’s the best for us. I can only see you as a sister but not a lover.”                                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD