DAY 6

725 Words
“Ricky?” hindi makapaniwalang sambit ko. hindi ko alam kung ilang buwan na rin nang huli kaming nagkita. Ang alam ko masaya na siya ngayon. “Tania” matagal na rin mula ng maranig ko ang pangalan na yan na siyang tawag niya saakin. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ako sakanya. Pero wala akong makapa kahit man galit sakanya siguro dahil natanggap ko nang wala na talaga. “Ang tagal na mula ng huli tayong magkita.” Makikita sa mga mata niya ang galak na makita niya ako pero nararamdaman kong parang may mga gusto pa itong sabihin. “Anong ginagawa mo rito?” hindi ko pinansin ang sinabi nito. “Kinuha ko ang mga naiwan kong papers para sa pagtransfer.” Paliwanag naman nito. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit nandito siya sa labas ng classroom namin. Uwian na rin namin at hinihintay ko lang si Evan para sabay na kaming umuwi. Pero nagulat ako ng may nagsabi saakin na may naghahanap saakin at napagtanto kong siya pala iyon. “Dumaan na rin pala ako para makita ka at magpaalam na rin.” Dagdag pa nito. Wala akong ideya kung bakit niya ginagawa pa ito. “Alam kong wala akong karapatang sabihin ito pero gusto kong humingi ng tawad sayo sa mga kagaguhan nagawa ko. Wala mang kapatawaran pero gusto kong sabihin iyon sayo bago ako umalis ng bansa. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko pero hindi ko pinagsisihang mahalin ka yun lang sinayang ko ang pagkakataong iyon.” Mahabang paliwanag nito. Gusto ko itong sumbatan pero hindi ko magawa dahil kahit papaano may respeto pa rin ako sa sarili ko. Oo, sa sarili ko talaga hindi sakanya. “Hindi mo naman siguro inaasahang patatawarin kita ng ganun na lang. Sa totoo lang Ricky, wala na akong maramdaman pa hindi ako galit sayo pero hindi ibig sabihin nun ay pinapatawad kita. Siguro nga may pagkukulang rin ako sayo kaya hindi ka nakuntento. Ang gusto lang sabihin na sana natuto ka sa mga pagkakamali mo dahil hindi na yun maibabalik ang dati.” Siguro nga minahal niya pero hindi iyon sapat. Nabigla naman ako ng lumapit ito at mahigpit akong niyakap. “Salamat.” Bulong lamang nito habang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap. “Hindi pa kita pinapatawad.” Kunwaring naiinis na sabi ko. Pero sa tingin ko rin na hindi rin magtatagal patatawarin ko na rin naman siya pero hindi ngayon asa siya. “Kahit na. Thank you pa rin sa lahat.” Bumitaw naman na ito sa pagkakayakap at tinitigan ako. “Kamusta ka na? Narinig ko mga kumalat na balita rito sainyo na may boyfriend ka na. Sino naman ang maswerteng lalaking iyon? Gusto ko siyang makausap ng mapayuhan ko.” Feeling close na talaga siya akala mo kung napatawad ko na talaga siya. “Wow ha, Wag ka nga magmalinis. Siya pa talagang pagsasabihan mo. Ano naman ang sasabihin mo sakanya aber? Na wag man babae?” Huli na ng marealize ko kung anong nasabi ko. Tinignan ko naman ito kung naoffend ito sa sinabi ko pero narinig ko itong tumawa lang. Kaya natawa na rin ako. “Wag kang maguilty sa sinabi mo. Kilala kita. Hindi ako naoffend. Gusto ko lang payuhan siya na wag gagaya saakin at hindi ka iiwan. “ natahimik naman ako dahil sa sinabi niyang yun. Matagal na katahimikan ang namagitan saamin bago ko ito pinutol. “Nabanggit mo kanina na aalis ka na ng bansa I assume na doon mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?” “Oo, kasama si Karen. Doon namin naisipang ipagpatuloy ang pag-aaral naming dalawa. ” Natahimik naman ako ng sinabi niya yun. So kasama pala niya. “Balita ko aalis na rin kayo? Nasabi ng dad mo sa papa ko. I assume doon ka na magtratrabaho?” balik na tanong nito saakin. Medyo nagulat ako pero hindi na rin ako nagtataka dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Patatapusin ko lang semister na ito saka kami aalis. “Ibig sabihin 2 weeks from now?” Tumanggo lang ako bilang sagot. Kaya gusto kong makausap si Evan dahil doon. Bukas ang huling araw na namin. Kakayanin ko kayang masabi sakanya? Pero wala akong choice dahil malalaman pa rin niya at ayokong sa iba pa niya malaman yun. Bakit kinakabahan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD