PROLOGUE
Cast
Titania Alcantara
Evander Joaquin
*****************
“Oh, hinihintay ka ng manliligaw mo sa labas.” Rinig kong bulong ni Vans short for Vanessa saakin. Pasimple naman akong tumingin sa may bintana at hindi nga ito nagsisinungaling. Nakatingin ito sa ibang dereksyon at alam kong hinihintay niya ako. Hindi dahil assuming ako pero alam kong ako ang hinihintay niya. Napairap na lang ako sa hangin at humarap kay Vans na nakasimangot binigyan naman ako nito ng nakalolokong ngiti. Alam niya kung anong iniisip ko “Sagutin mo na kasi wala namang masama.” Tukso pa nito kaya lalo akong nainis at mahinang kinurot ito sa tagiliran niya.
“Manahimik ka nga. Ni hindi ko nga pinayagang manligaw saakin yan. Sagutin pa kaya.” Ewan ko ba kung paano ko naging manliligaw yung lalaking iyon ni hindi ko nga siya kilala. Out of nowhere bigla itong nagpakita saakin tapos sinabi niyang liligawan niya ako kahit hindi ko sinabing pwede siyang manligaw.
“Wala namang masama. Napakapursigido nga siya kahit ilang beses mo na siya tinurn-down ang lakas pa rin ng fighting spirit niya. Alam kong hindi siya yung mga nasa standard mo pero malay mo naman mahanap mo sakanya yung mga katangiang hindi mo nakita doon sa mga g*go mong mga ex.” Ewan ko rin dito sa kaibigan ko dahil pinupursue pa ako sa lalaking iyon.
“Tumingil ka na. Pinipilit ko na ngang kalimutan iyon.”
“Nasasaktan ka kasi totoong g*go talaga sila. Lalo na yung Ricky, siyang pinaka sa kanilang lahat.” Tukoy nito sa recent boyfriend ko. Sa totoo lang tama naman siya ayoko lang aminin sa sarili ko niloko ako at pinaglaruan. Nagmahal lang naman ako pero bakit sakit yung natanggap ko?
“Wag na nga nating pag-usapan iyan. Makita pa tayo ni ma’am na nag-uusap dito lagot tayo.” Pagpapalit ko ng topic. Ayoko talaga sa mga ganyang usapan dahil alam ko sa sarili kong hindi pa rin ako nakakamove hanggang ngayon.
“Pero hindi nga, wala ka ba talagang balak sagutin siya? Halos tatlong buwan na siyang consistent sa panliligaw at ni isang araw walang mintis. Mukha namang okay siya. Kung ikukumpara mo siya sa mga dati mong bf, legwak talaga siya. Hindi pang model gaya ng una mong ex, hindi kasing yaman ng pangalawa at lalong hindi athlete gaya ng pangatlo.” Tukoy pa nito pero hindi ko na ito pinapansin dahil nararamdaman kong malapit na kaming masita ng professor namin. Mabuti na lang at natapos ang klase ng hindi kami napansin kaya nagpapasalamat ako para roon.
“Bakit hindi na lang ikaw ang sumagot sakanya. Tutal mukhang ikaw naman ang may gusto sakanya.” Sigunda ko rito. Ewan medyo naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan.
“Why not naman, yun ay kung ako ang gusto niya sana at ako ang niligawan niya. May itsura naman siya pwede na I mean lahat pala may itsura. Gwapo siya iyon yun pero hindi ako mahilig sa mga chinito. Baka kaya ayaw mo siyang sagutin dahil hinahanap mo sakanya yung mga naging qualities ng mga ex mo? Sinasabi ko sayo malayong-malayo dahil sa tingin ko mas desente pa siya keysa sakanila. Sige, kita na lang tayo bukas masyadong matagal na ang hinintay ng manliligaw mo sa labas. Bye.” Magsasalita pa sana ako pero kumaripas na ito ng takbo at sumama sa mga iba pa naming kaklase. Nakalimutan ko na rin palang may naghihitay nga pala saakin. But who cares, hindi ko naman siya pinapansin gaya ng dati pero parati pa ring nakasunod. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin para tantanan niya na ako. Sinusungitan ko na nga siya pero wala pa ring epek.
“Ako nang magdadala niyang libro mo.” Biglang sabi nito sa tabi ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ito.
“Hindi na kaya ko na.” masungit na sambit ko pero gaya ng dati parang wala pa rin itong naririnig at biglang kinuha ang dala ko. Nabuntong hininga na lang at napairap sa hangin ang kaya kong gawin sa ngayon. Gusto ko siya sigawan pero ayokong nagpapahiya sa harap ng maraming tao. Dahil sa inis inunahan ko na ito sa paglalakad dahil ayokong nagsasabay kaming dalawa. Dumeresto na ako sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ko. Narinig ko pang tinatawag ako nito pero hindi ko na lang pinapansin. Ganito parati ang set-up naming dalawa sa tatlong buwan na nakasunod ito. Ihahatid niya ako sa sasakyan ko then hihintaying makaalis ganun rin tuwing umaga maghihintay ulit siya rito saka niya ako ihahatid sa klase ko. Hindi ko rin maconsider na panliligaw nga yung ginagawa niya dahil hindi ko talaga hinahayaan makalapit siya. Ito lang ang nagiging way niya para makalapit saakin.
“Hindi ba may susunod ka pang klase? Bakit aalis ka na?” nagtatakang sambit nito. Kinuha ko naman sakanya ang libro ko wala akong balak sagutin ang tanong niya dahil hindi naman kami ganun kaclose para sabihin ang mga nangyayari saakin. Hindi ko rin alam kung paano rin nito nalaman ang schedule ko. Huminga mo na ako ng malalim para sabihin ang gusto kong sabihin sakanya.
“Evan, hindi ka ba nagsasawa diyan sa ginagawa mo?” derektang at parang naiiritang sabi ko sakanya. Pasimple pa akong tumitingin sa paligid baka may makarinig saamin ayokong pinag-uusapan kami sa loob ng campus.
“Nagsasawa saan?” patay malisyang sagot nito. Ngayon lang ako nafrustrate ng ganito sa lalaking ito. Lalo tuloy akong nairita sakanya.
“Alam kong hindi ka bobo para ipaliwanag ko kung anong ibig kong sabihin. Bakit ba ginagawa mo pa ito? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako nagpapaligaw at lalo hindi kita pinayagang manligaw. Nagmumukha ka lang t*nga sa ginagawa mo pati ako dinadamay mo.” Alam kong below the belt lahat ng sinasabi ko pero gusto ko talagang tumingil na siya dahil wala namang itong patutunguhan. Ayokong sinasayang niya ang oras niya saakin.
“Kahit anong sabihin mo hindi pa rin ako susuko.” Seryosong sagot nito saakin. Walang makikitang bahid ng sakit sa mukha nito hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sa mga ito na para akong nilulunod sa mga titig nito. Iniwas ko lang ang tingin saakin at napabuntong hininga.
“Pls, nakikiusap ako sayo, itigil mo na ito. Hindi talaga ako interesado sayo kaya nagsasayang ka lang ng oras mo saakin. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Imbes na sa ibang bagay mo na lang ipagtuon ang oras, saakin ka pa nagsasayang ng oras.” I’m sorry, nasabi ko na lang sa isip ko ayoko man makasakit pero mabuti pang sabihin ko na habang hindi pa malalim ang nararamdaman niya. Gusto kong mainis dahil hindi ko man lang mabasa kung anong naiisip niya kahit expression man lang wala akong makitaan na nasasaktan ito sa mga sinabi ko.
“Bigyan mo ako ng magandang dahilan para itigil ko ito.” Hindi ko talaga mabasa ang emosyon nito. There’s something with him that I can’t clarify. Dahilan? Ano bang dahilan? “Malinaw na saakin. Alam ko na ang sagot. Hindi mo na kailangan sagutin. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo.” At walang sabing umalis ito. Kaya napatanga ako dahil doon. Wala pa nga akong sinasabi pero ang sabi niya alam na raw niya ang sagot. Weird. Napatigil naman ako ng bigla kong maalala, pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon bigla itong ngumiti na lalong nakakapagtaka. Titigil na ba talaga siya? Dapat na bang maging masaya na ako? Bakit parang hindi ko maexplain ang nararamdaman ko?
************************
“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko. Nagulat ako nang makita itong nakatambay ulit sa labas ng classroom namin. Hindi lang iyon dahil halos dalawang oras siyang nakatambay doon. Hinintay niya talaga ako? Akala ko ba hindi na siya magpapakita? O ako lang nag-iisip nun?
“Ihahatid ka sa sasakyan mo.”
“That’s not what I mean. Akala ko ba malinaw na yung napag-usapan natin kahapon?” Tukoy ko rito. Wag niyang sabihing nakalimutan niya o magrarason siya.
“Alin doon?” Patay malisyang sagot nito. Gosh, nandito nanaman tayo.
“Hindi ako nakikipagbiruhan sayo, Evan. Sinabi kong tantanan mo na ako hindi ba?” seryosong naiinis na ako.
“Hindi ko alam kung saan doon yung tinutukoy mo?”
“Bahala ka diyan.” Inis kong sambit at tuluyang iniwan ito.
“Ania, mag-usap tayo. Kahit saglit lang.” rinig kong pakiusap nito kaya tumigil ako at tinignan siya.
“Akala ko ba titigil ka na sa ginagawa mo?” seryosong sabi ko habang hindi ko binibitawan ang tingin rito.
“Sinong nagsabing titigil ako? Kung iniisip mo na dahil sa mga sinabi mo kahapon saakin ay mapapatigil mo ako sa ginagawa ko, nagkakamali ka. Hindi ako ganun kabilis sumuko.” Seryoso ring sagot nito.
“So, anong ibig mong sabihin doon ‘Alam mo na ang sagot?’ Alam mo ang labo mo ring kausap.’’
“Yun ba? Saka ko na lang sasabihin sayo. Sa ngayon hindi ko pa matukoy yung mga nakita ko. Tara na, ihahatid na kita.” Nahihiwagaan ako sa mga sinabi niya. Para bang may alam siya na hindi ko talaga alam. Hangang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan ko hindi pa rin maalis ang sinabi nito. Curious talaga ako. “Wag mo munang isipin ang sinabi ko, kilala kita. Magpahinga ka na muna. Ingat sa pagdrive.” Tumalikod na ito saakin para umalis na kaya bigla naman akong nakonsensya dahil hinintay niya ako kanina ng matagal tapos pinagsalitaan ko pa siya nang masasakit. Di ba parati mo namang ginagawa iyon? Sabi ng ibang bahagi ng utak ko.
“Evan, saglit.” Bigla naman itong tumigil at humarap. Mabuti na lang at hindi pa ito nakakalayo. Tumingin naman ito saakin at nagtatanong na mga matang bumungad saakin. Shocks, bakit ngayon pa ako nahiyang sabihin sakanya. Umayos ka, Anya. Huminga muli ako ng malalim at sinabi ang gusto kong sabihin. “Sumabay ka na saakin.” Nakita ko namang para itong natuod. Hindi ba niya narinig yung sinabi ko.
“Ulitin mo nga yung sinabi mo?” mukhang gulat na saad nito alam kong narinig niya ang sinabi ko bakit gusto pa niyang ulitin ko.
“A-ayoko nga, hindi ko na uulitin ang sinabi ko sa mga binging katulad mo.” Nakakahiya, kailan pa ako nabulol sa harap niya. “Diyan ka na nga, kalimutan mo na yung sinabi ko.” Sumakay naman na ako pero nagulat rin ako ng sumakay rin ito at umupo sa passenger.
“Wala akong sinabing hindi ko narinig. Gusto ko lang ulitin mo dahil ito ang unang pakakataon na yayain mo akong sumakay sa kotse mo.” Ngumiti pa ito ng nakakaloko kaya bigla tuloy akong naasar. Mali pala ang naging desisyon ko at mukhang ibang ang pagkakaintindi niya.
“Nagkakamali ka sa iniisip mo. Nakokonsenya lang ako. Huwag kang mag-isip na may malisya dito.” Pagsusungit ko. Iyon ba talaga ang dahilan?
“Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Sige na alis na tayo.” Inirapan ko lang ito at pinaandar ang sasakyan.
“Saan pala kita ihahatid?”
“Sa bahay natin.” Banat nito kaya tinignan ko lang ito ng walang emosyon. “Napakaseryoso mo. Sa aparment na lang namin. Ituturo ko sayo ang daan.” Namin? Ibig sabihin may mga kasama siya doon.
“Umayos ka kasi.” Hindi ko alam habang nasa daan kami. Marami itong kwenekwento na hindi ko naman tinatanong. Pero mabuti na lang rin ayokong maging ackward rin kasi. Nakarating kami sa tapat ng apartment nila balak ko pa sanang umalis pero inaya niya ako nitong pumasok or should I say pinilit.
“Oh, pre mabuti at nakarating ka na ang tagal mo mahuhuli nanaman tayo sa gig.” Napatigil naman sa pagsasalita ang kasama niya ng makita ako nito na parang gulat na gulat. Para siyang nakakita ng multo. May mali sa mukha ko?
“Ayusin mo yang mukha mo Zed natatakot sayo si Ania.” Saad naman nito sa kasama. “Maupo ka muna diyan. Pasensya na makalat itong apartment namin dahil mga hayop ang kasama ko rito.” Baling naman nito saakin. Tumango na lang ako at umupo sa sinabi nitong sofa.
“Hindi lang ako makapaniwala nandito ka na talaga. Alam mo bang ikaw ang bukang bibig parati nitong si Evan masyadong tinamaan sayo para na siyang asong ulol kapag hindi ka raw niya nakita.” Para naman akong namutla dahil sa sinabing iyon ni Zed. “Pre, masasabi kong worth it lahat ng sakripisyo mo. I’m so proud of you.” At niyakap pa nito si Evan. Kami naman nalilito dahil sa inaasal ng kaibigan niya. “For sure, matutuwa yung dalawang tukmol kapag nalaman nila ang balitang ito. Kailan mo siya sinagot?” Now I know. Napagkamalan niyang kami. Tumingin ako kay Evan para humingi ng tulong nakita ko itong buntong hininga bago magsalita.
“Nagkakamali ka ng iniisip, Pre. Hindi pa kami pero malapit na.” Pinandilatan ko naman siya ng mata pero ngumisi lang ito.
“Ganun ba, sayang akala ko kayo na. Pero magandang improvement ito dahil napapunta mo na siya dito.” Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nilang magkabigan. Para bang hindi sila aware na nandito lang ako at naririnig ang lahat ng sinasabi nila tungkol saakin.
******************
Hindi ko alam kung bakit naging instant driver ako sa araw na ito at paano nila ako napapayag na manuod ng banda nila. Narito kami sa isang resto bar kung saan madalas silang tumutugtug. Pinaupo nila ako sa VIP section kung saan nandoon ang mga gamit rin nilang iniwan dahil tutugtog na sila kaya ang nangyari naging taga bantay rin ako. Maraming pagkain ang nakalagay sa table kaya tumitikim lang ako mahirap na baka maparami ang kain ko.
Nameet ko na rin ang dalawa pa nilang kaibigan na kasama rin sa banda at tulad ng reaksyon ni Zed ng makita ako ay ganun na ganun rin sakanila. Ganun ba nakakagulat na magkasama kami ni Evan?
"Our next song for tonight is dedicated to the girl I'm currently courting. Alam kong nagulat ka sa pagdating ko sa buhay mo pero ang masasabi ko lang, Ikaw lang ang iniibig ko kaya sana maniwala ka. Iibigin kita kahit gaano pa katagal huwag mo lang akong ipagtulakan lumayo sayo.” Napalunok naman ako ng sinabi ni Evan iyon at nakatingin pa ito sa dereksyon ko marami tuloy napapatingin saakin. Medyo nahihiya tuloy ako. Alam kong sincere siya nung sinabi niya ang mga iyon dahil naramdaman ko sa bawat salitang binitawan niya. May parte saaking gustong maniwala pero nanaig pa rin na ayoko pa.
Ikaw Lang (by: Nobita)
Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala
Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig
Ikaw lang ang iibigin
At sa iyong paglalambing
Ako ay nahulog din
'Di ko alam kung ano ang gagawin
'Di ko alam kung saan titingin
Halik sa labi
Tinginan natin
'Di akalaing
Mahuhulog ka sa 'kin
Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig
Ikaw lang ang iibigin, sinta
At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi magpapagal
Iibigin kita kahit ga'no pa katagal
Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig
Ikaw lang ang iibigin
La-la-la-la-la-la, la-la-la
La-la-la-la-la-la, la-la-la
La-la-la-la (ah)
La-la-la-la (ah)
La-la-la-la-la-la, la-la-la
Siya lang, la-la, la-la-la
La-la-la-la (ah)
La-la-la-la (ah)
Sinta
Hangang sa matapos ang kanta, humihingi pa sila ng another song pero kailagan rin nilang maghinga at meron isa pang tutugtug na banda rin. Pasimple kong kinuha ang gamit at tumayo na ako. For sure, hinahanap na ako nila mommy. Nakalimutan kong magpaalam at lowbat na rin ang phone ko.
“Aalis ka na?” Napatingin ako sa likuran ko at nakita roon si Evan. Hindi ko alam na sumunod pala siya saakin.
“Oo, baka nag-aalala na ang magulang ko saakin.” Naalala ang kanta niya kanina gusto ko maniwala sa lahat ng sinabi niya pero natatakot ako.
“Sorry, hindi ko rin namalayan ang oras. Gusto mo bang ihatid kita sainyo? magpapaliwanag ako sakanila.” Pagkukumbinsi niya.
“Ayos lang. Ako ng bahala hindi mo na kailangang gawin iyon.” Pasakay na sana ako ng bigla ako nitong pigilan kaya tumingin ako sakanya at hinihintay itong magsalita .
“Yung sinabi ko kanina, totoo lahat ng iyon. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Wag mo lang sana akong patigilin sa ginagawa ko.” Seryosong sabi nito. Napatingin naman ako sa kamay nitong nakahawak pa rin saakin. Should I risk?
“Sige, pumapayag na ako.”Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko pero sa tinigin ko ito lang ang paraan para matigil na lahat agam-agam sa isip ko.
“Pumapayag ka, saan?” nakunot na tanong nito.
“Pagbibigyan kitang maging girlfriend ako, pero sa isang kondisyon.” Hindi ko alam kung anong pumasok rin sa isip ko pero nandito na ako. Hindi naman maipinta ang mukha nito na parang nalilito sa mga sinasabi ko. “Papayag lang ako sa isang linggong relasyon natin at pagkatapos nun mangako kang hindi na ako guguluhin.”
“Hindi ko maintindihan. Bakit may taning? Bakit may expiration date ang relasyong gusto mo?” I’m sorry pero hindi ko pa pwedeng sabihin sayo.
“Kung hindi ka sasang-ayon, okay lang naman.” Matagal naman kaming nagsusukatan ng tingin at hinihintay kong sinong unang bibitaw. Hindi ko alam kung anong iinisip nito. Maya-maya pa’y nagsalita ito.
“Kung iyon lang ang paraan para mapalapit pa ako lalo sayo. Sige susuduin ko ang gusto mo.” Seryosong sagot nito. Hindi ko alam bakit siya sumang-ayon rin. Maybe, tama rin ang hinala ko sakanya. Na iisa lang rin ang motibo niya saakin. “Dahil may kondisyon ka, meron rin akong kondisyon sayo. Ngayong girlfriend na kita, hindi mo ako pwedeng ipagtabuyan at gagawin natin ang ginagawa ng mga normal na magkasintahan.” Ako naman ngayon ang napakunot sa sinabi nito. Nakita naman nito ang pagkalito ko.
“Paanong normal na magkasintahan?” Maybe giving such things like, roses, chocolate or teddy bear? Ganun ba ang gusto niyang ipahiwatig.
‘’Hindi ba dapat alam mo iyon dahil may naging kasintahan ka na dati?” para naman akong natuod ng lumapit ito at yumuko ng kaunti para maging magkalevel kami hindi ko ipinakita sakanyang naapektuhan ako sa gigawa niya. Pinipigilan ko ring mapalunok at hindi kabahan. “Gusto mo bang bigyan kita ng halimbawa?” Seryosong turan nito, pero hindi ko ba alam kung saan ito nakatingin kung saakin ba o sa labi ko. Bakit parang ideya na ako kung anong gusto niyang ipahiwatig.
************
************