DAY 1

981 Words
“Mabuti naman at bumaba ka na, Ania. Kanina pa naghihitay sayo ang bisita mo.” Iyon agad ang bungad ni Mommy ng makababa ako. Kinunutan ko lang ito ng noo at sumunod sakanya wala na rin akong panahong magtanong pa. Sino naman ang dadalaw saakin ng ganitong oras at sinaktong papasok ako sa school. Nang makarating ako sa sala’s namin doon ko napagtanto kung sino ang sinasabing bisita ni Mommy. Hindi dapat ako magulat pero hindi ko pa rin maiwasan. “Don’t worry, hindi siya naabutan ng dad mo mabuti at maagang umalis ang kung hindi matinding intorigation ang mangyayari. Huwag kang mag-alala pasado na siya saakin.” Tinignan ko naman si Mommy na parang wala lang sakanya ang mga sinabi nito. So, pinakilala niya na ang sarili niya kay Mommy. Hindi ko inaasahang pupunta siya rito. “Sige na lapitan mo na kanina pang 6:30 yan nandito.” Tumingin muna ako kay Mommy na parang sinasabing umalis muna ito. Mukha namang na gets niya agad kaya umalis na rin ito at bumaling kay Evan. “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko sakanya. Nakita ko namang sumilay ang ngiti nito sa labi. “Nakalimutan mo na atang may relasyon tayo ngayon. As your boyfriend sinusundo kita para ihatid sa school.” “Hindi ko nakalimutan yun at saka hindi mo na kailangang gawin pa ito. May sariling akong sasakyan. Pwede naman tayong magkita sa school na lang.” katwiran ko rito. “Nah, simula ngayon susunduin kita at ihahatid.” “Baka nakakalimutan mong isang linggo lang ito?” paalala ko rito. Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha niya nawala ang ngiti nito sa labi. Ngunit kinalaunan ay bumalik muli ito na para bang hindi ko nakitang nagbago ang facial expression niya. “Iyon na nga eh, so mas kailangan ko pa lang pagbutihan sa ginagawa ko ngayon. Malay mo, magbago pala ang isip mo at pang lifetime na ito.” Napailing na lang ako sa sinabi niya at naunang maglakad palabas. “Hindi ba kayo mag-aalmusal muna?” Rinig kong sabi ni mommy kaya tumingin naman ako sakanya. Alam niyang hindi ako nag-aalmusal dito. “Mom, sa school na ako mag-aalmusal baka traffic na daan lalo kaming malate.” Paliwanag ko. “Huwag po kayong mag-aalala, tita. Ako ng bahala kaya Ania dinalhan ko na po siya ng almusal dahil hindi talaga siya nag-aalmusal sa school namin.” Pinanlakihan ko naman ito ng mata. Paano niya nalamang hindi nga ako nag-aalmusal? Kainis, nakita ko naman si Mommy na naningkit ang mga mata nito. “Siguaraduhin mong kakain yan, Evan bago pumasok ng classroom nila kung hindi ikaw ang malalagot saakin.” Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Para ginagawa nila akong bata. Paglabas namin ng bahay nakita ko ang isang mini van sa tapat kulay puti ito at tented ang salamin. Pinagbukas naman ako nito ng passenger seat kaya nagulat ako ng may mga bumati saakin mula sa likod. “Hi, Ania.” Unang bumati si Zed at nasuran naman si Miko at Cade. Gulat namang napatingin ako sa mga kaibigan ni Evan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi rin inaasahang nandito sila. “Anong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ko. “Makikisabay, para tipid sa pamasahe.”-Miko. Nakita ko namang pumasok na si Evan sa driver seat at parang walang pakialam sa mga kasama niya. Ibig sabihin kung sinabi ni Mommy na 6:30 nandito na siya ibig sabihin pati rin ang mga kasama niya nandito na rin kaaga. “Ibig sabihin kanina pa kayo naghihintay saakin?” napatigil naman sila sa sinabi kong iyon at nagkatinginan sila o mas pwedeng sabihin kay Evan sila nakatingin kaya napatingin rin ako rito. Pagkarating namin sa school hinintay kong umalis ang mga kaibigan ni Evan saka ko ito hinarap. Hindi pwedeng parating ganito, naiintindihan ko ang effort niya pero para saakin maguguilty ako dahil sa ginagawa niya. “Evan, gusto ko sanang sabihin sayo hindi mo na kailangang sunduin ako tuwing umaga. Naiintindihan ko kung anong gusto mong mangyari pero kasi…Ganito na lang, papayagan kitang ihatid akong pag-uwi pero wag mo na akong sunduin pa.” “Hindi ka ba komportable sa mga kasama ko?” “Hindi sa ganun, pero kasi nahihiya ako sa mga kaibigan mo. Kung araw-araw na ganito ang set-up natin.” I hope, sana maintindihan niya. “Okay, pero sana hayaan mong ibaunan kita ng almusal at lunch mo para quits na tayo.” Medyo napaisip pa ako sa sinabi niyang iyon. “Fine. Pumapayag na ako.” “Kung ganun, tara kainin na natin itong binaon ko para sayo.” Nakita ko namang may nilabas ito sa bag nitong 4 tupperware at mukhang tig-isa pa kami. “Itong natira dito pang lunch natin.” At itanago nito ang natirang dalawang tupperware. “Dapat hindi mo basta-basta nilalagay ang mga baon natin sa bag mo. Paano kung may sabaw iyan, edi nabuhasan pa yang bag mo.” Nandun pa naman niya nilalagay ang mga gamit niya. “Opo, itatak ko yan sa isip ko. bibili na lang ako mamaya ng lalagyan natin ng baon tapos bagong tupperware medyo luma na kasi ang mga ito. Samahan mo ako mamaya.” Masasabi kong maayos ang naging first day naming dalawa. Masasabi ko ring hindi ito ang inaasahang kong bf-gf set-up naming dalawa. Akala ko maiilang pa rin ako sakanya pero nakakagulat dahil parang hindi na ako nakaramdam ng pakailang sakanya. Para bang magkaibigan lang ang turing namin sa isa’t isa. Sa unang araw naming ang dami niyang kwento na parang bitin ang buong araw ko ng ihatid niya na ako pauwi sa bahay. Hindi ko masabi sakanya pero nag-enjoy ako sa first day. Satingin ko hindi rin pala masamang sinagot ko siya. Pero bigla rin akong natahimik ng maalala na may hangganan rin pala ito. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD