Hindi siya mapakali matapos makita ang mga larawan. Gusto niyang magwala at sugurin si Raphael sa opisina ni Don Ronnel pero ayaw niyang mag-eskandalo. Kaya lang hindi siya makalma. Nang hindi makatiis ay lumabas siya sa opisina. Nagulat pa si Fe. "May kailangan ka ba, Ma'am Crystal?" "Wala po. Magtitimpla lang po ng kape," imbis ay sagot niya. Hindi niya pala kayang sumugod at magtanong. Dinala siya ng mga paa niya sa pantry area. Nagulat pa siya matapos makitang naroon si Royce at mukhang gumawa rin ng kape. Gusto sana niyang umatras pero huli na dahil nakita na siya nito. Malawak itong ngumiti samantalang tipid na tango ang sagot niya. "How are you, Crystal?" panimula nito. Seryoso siyang lumapit sa coffee maker at inasikaso ang gusto niyang kape. "Ayos lang. Actually, mas maayo

