"This is due to food poisoning. Mabuti na lang at agad siyang naisugod dito. Pakibantayan lagi ang kinakain ng bata. Maaaring higit pa ang mangyari kung hindi naagapan," paliwanag sa kanila ng doktor noong makarating doon. Pumikit siya nang mariin upang pigilan ang umuusbong na galit. May naiisip siya pero ayaw niyang magbintang. "Thank you, Doc," si Raphael na ang humingi ng pasalamat at sumunod sa doktor para sa gamot ni Serenity. "Pasensya ka na, Hija. Hindi ko alam kung saan niya nakuha pero lahat ng luto ko at pinapabaon sa kanya ay sinisigurado kong lahat ay bago," nalulungkot na paliwanag ni Yaya Lilit. Mabigat siyang bumuntong hininga at tipid na tumango rito. Pagsulyap kay Serenity ay halos manghina siya. Naka-dextrose pa ito at namumutla. Nakatulog na ito at ayaw niyang gisin

