RAPHAEL'S POV Seryoso siyang nakatingin sa daan. Masama ang loob niya rito lalo pa't ito ang dahilan ng pagkaka-ospital ni Serenity. Labag man sa loob niya ay hindi naman niya kayang pabayaan ang asawa ng kanyang kapatid. "Pasensya ka na, Raphael. Wala kasing available na driver tapos nag-away pa kami ni Royce kanina." Tumikwas ang kilay niya. Wala siyang balak makipag-usap dito. Gusto nga niya ay makarating na sila sa bahay nito upang umalis na ito sa kanyang sasakyan. Nangunot ang noo niya noong magsimula itong humikbi. "Pwede bang doon muna ako sa inyo? Kahit ngayon lang. Ayoko lang makita si Royce. Baka mag-away kami nang malala tapos ay marinig ni Amethyst." Dumiin ang hawak niya sa manibela. Wala naman dapat siyang pakialam pero kawawa nga ang bata. "Tsaka, sobrang lakas ng ul

