CRYSTAL'S POV Hindi mapuknat ang ngiti niya sa daloy ng relasyon nila ni Raphael. Matapos niya kasing masabi na nagseselos siya noong araw na naroon ang Ate Courtney niya, naging maayos ang pagsasama nila ni Raphael. Napagkasunduan nga nilang i-work out ang kasal nila. Hindi niya lubos maisip na sasaya siya nang dahil lang doon. Mas lalo silang naging malapit sa isa't isa. Gabi-gabi rin ay may oras sila sa isa't isa. Ilang araw na nga siyang inaasar ni Fe sa pagiging blooming pero tinatawanan niya lang. Magaan lang talaga ang pakiramdam niya. Malaking tulong na naging smooth ang relasyon nila ni Raphael. Siguro ay kahit paano crush na niya ito at hindi niya isasara ang posibilidad na mahalin ito. "Kaganda talaga. Parang araw-araw na may dilig ah," bungad sa kanya ni Fe sa umaga. Ngini

