"Anong g-agawin ko? Nabura lahat," muling hikbi ng ate niya. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Kita niya sa mga mata ni Royce na tila siya ang pinagbibintangan nito. "W-ala ka bang back-up files, Ate?" kunwaring tanong niya kahit na alam naman niyang wala. Umiling ito at sinubsob lang ang mukha sa d*bdib ni Royce. Kumuyom ang kamao niya lalo na noong makitang marahang tinapik ng lalaki ang balikat ng Ate niya at hin*likan pa sa ulo. Sumisiksik na naman ang selos sa d*bdib niya. "Hindi pa ba tayo magsisimula? Sayang ang oras," reklamo ng isang matandang investor. "Just a second, Mr. Carlos," ani Royce na kinatango ng huli. "M-gagalit sila," kinakabahang bulong ng ate niya. Muntik na siyang mapangisi pero kinagat niya ang ibabang labi. Walang honeymoon kapag walang presentation

