Gusto niyang magwala noong umalis nga ang ate niya at si Royce. Hindi matigil sa pagtatagis ang mga ngipin niya. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang hinagis ang bag at ginulo ang kama niya. "Argh! Bwisit!" Namewang siya at nasapo ang noo. Ginawan na nga niya ng paraan para hindi matuloy ang honeymoon pero natuloy pa rin! Mukhang talagang ginagalit siya ni Royce! Tumalim ang tingin niya at agad na naghalungkat ng damit sa closet. Kung ayaw siya nitong kasama ngayong gabi, pwes, hahanap siya ng ibang makakasama. Agad niyang sinuot ang itim at maliit na dress. Sakto lang iyon sa gitnang hita niya at halos labas ang buong likod niya. Sinuot niya ang malalaking hikaw at kinulayan ng pula ang mga labi niya. Bakit ba kasi siya nagtitiis sa lalaking may asawa na gayong pwede naman siyang humil

