JERLYN "Baby I'm sorry na! Hindi talaga kasi ako mapakali dahil baka biglang sumakit ang tiyan mo. Kaya nag-usap kami ni Peter at Clark na puntahan kayo. Hindi naman sana namin kayo disturbuhin kaya nga nag disguise kami. Kaso lang sinabi mo na masakit ang tiyan mo kaya kami lumapit sa table niyo. I'm sorry na baby please." Pakiusap niya na parang bata. Nandito na kami sa bahay namin. Nang lumabas sila galing banyo sa restaurant biglang naging masama ang pakiramdam ni Den-Den kaya nagpasya nalang kaming umuwi. Mula nang sumakay kami ng sasakyan hanggang pagdating namin sa bahay hindi ko pinansin si Arnel. Kunwari nagtatampo ako sa kanya dahil hindi siya sumunod sa usapan. "Isang buwan ka sa labas matutulog. No kiss, no hug." Wala emotion ang mukha ko. Parang nalugi naman ang kanyang hit

